
nakakainis...sapilitan akong pinagawa ni Nadine Flores o Nadine Serolf (her FB name)ng blog para sa kanya para daw sumikat siya...haay..no choice...tinutukan ako ng baril eh...haha...si Nadine or Nadz for short ang number 1 na NANINIRA NG KALIKASAN...bakit???sabi niya sakin, weekly daw siya magkukulot at gagamit ng hair spray...purjas!! kawawa si Mother Earth sa kanya kaya tapusin na natin siya bago pa makapaminsala!!haha..joke...sige na ngaa...si Nadz,ang pinakadakila sa lahat (syet.), pinakamaganda (pinakamaganda sa mga kutong lupa), pinakamabait (mabait pag asa bahay namin dahil anumang oras pwede kong tapusin buhay niya) at pinakatalented (agree na ko pwera sa dancing dahil parehong putol ang paa niya!hahaha)
ang special niya no???pinagaksayahan ko pa siya ng oras. sana nag-Plants vs. Zombies na lang ako kaysa gawin to, edi sana lumaki na Tree of Wisdom ko.
Pinangalanan siya ng nanay at tatay niya ng Nadine Joyce H. Flores pero pag sinusulat ang sinusulat niya sa mga test papers (kinokopyahan niya ako) ay “Nadine H. Flores” lang. Dahil ayaw niya ng Joyce (dapat lang! anlayo ng katawan niya kay Joyce Jimenez) pa inis ka sa kanya, tawagin mo lang siyang JOYCE LAKI IPEN!—mga 3 seconds after mo gawin ito ay PANTAY NA ANG PAA mo. Napulot lang siya ng nanay niya sa tae ng kalabaw. Sa una nga, kala nila kalabaw ang batang ito, pero nang mgaundergo sila ng observation, nagformulate hypothesis, nagsagawa ng experiment, they conclude na: TAO pala siya.
Noong HS pa kami,napipilitan lang kaming samahan siya ng mga iba ko pang friends. Ay, oo nga pala, she's taking up AB Psychology or BS Psychology, di ko sure, pero ang payo ko sa kanya, gamutin niya muna sarili niya. SARILI MUNA BAGO IBA! sira ulo kasi siya. Pinangalanan ba naman niya yung gitara niya, si Marieta(magkasama kami ng 1week ni Marieta sa Gapan noon). Sino ba naming matinong tao ang gagawa nun? Kinakausap din niya ang mga bagay bagay, tulad ng ballpen. Anak ng pating! Para lady GAGA lang ah..Napilitan lang din akong maging business partner siya, binantaan niya kasi akong uubusin ang lahi namin pag di ako pumayag. Syet. No choice na naman ako sa psychotic na kumukuwa ng Psychology na to. Leche flan!
Malakas ang tama ni Nadz. Nagulat na lang kami ng minsan nang malaman namin na may BF na pala siya (pano kayang may nagkagusto sa lintik na babaeng to?) At take note, ang gwapo na BF niya ah!!Ginayuma siguro, pinakaen ng malaki niyang buhok. May "nuno" sa loob ng buhok niya eh. Kung si ang kuba ni Rosalka, tyanak yung buhok naman niya may “nuno”. Hindi naming gingalaw ang buhok niya kasi baka manuno kami. Pag kailangan na talagang galawin buhok niya, magsabi lang kayo ng “Tabi tabi po..” Minsan nga magkatabi kami ni Nadz, tapos narinig ko yung nuno sa buhok niya, sabi: “Nadine…halikaa…Nadine…halika”.. Nakakakilabot noh?
Ang sabi ng tatay niya(SUPERMAN tawag niya sa tatay niya, at SPIDERMAN naman ang tawag niya sa tatay ko) sakin, kaya daw lumalago ang buhok ni Nadz, dahil kinakaen ni Nadz ang balahibo ng aso niya, si Porscha (mabalahibong aso si Porscha). Sa isip isip ko lang, bat kaya hindi rin kumaen ng balahibo ng aso si SUPERMAN para maiwasan ang pagkapanot, ay baldness pala para hindi masagwa. Kung anong kinabuhok ni Nadz ay siya ring kinawalan ng buhok ni SUPERMAN…
Syet. tinatamad na ko tapusin tong blog na to. wala kasi kwenta ginagawa ko eh.haha
Lagi niyang pinapangarap na sumikat. (mga pagkamatay niya siguro tsaka siya sisikat dahil sa mga katalentaduhang ginawa niya sa mundong ibabaw).
Pero may nagawa rin siyang mabuti, nung pinarinig niya sakin yun kanta na Whatever you like ng BAMF. Natuwa naman ako. Dun ko narealize, after ng 2 years, "ay! syet. May benepisyo din pala akong makukuwa sa babaeng buhok na to"
Sabi siya ng sabi na ihahanap niya ko ng gwapo. Ginawan ko na siya ng letter sa wish ko lang (nirequest niya sakin) pero hindi niya pa rin ako nahahanap. Anak ng Pating! NAGPAPAASA! bwisit. salot. Anyways, nagbago na ang pananaw ko sa buhay simula ng hindi niya tinupad ang hiling ko sa kanya. Nagdesisyon na lang ako na MAMATAY NG SINGLE parang SINGLE UNTIL DEATH ba??
OPORTUNISTA din siya. Noong 4th year kami, required kaming gumawa ng unit circle (bilog na may numerong teacher lang nakakaintindi) sa index card. Ginawan niya kami pero may bayad pa, 3 pesos ata! Samantalang 50 cents lang naman ang index card. bwisit na yan. hanep ang GO NEGOSYO niya no! pati classmate niya pinagkakakitaan!
Ginulpi na niya ko nun sa H.Q., wala akong magawa!MALAKAS SIYA! MALAKAS SIYA! :(( sad ako. kahit andami nang nakakakita di niya pa rin ako nilubayan!wala siyang awa!kapal ng muka niyang magrequest na gawin ko siyang subject sa blog ko! leche!
Pati si Miggy (classmate kong parang SLIME dahil malata siya at laging tulog. Yung tipong pag nilagay mo si Miggy sa container, yun din ang magiging shape niya), ginawan niya ng comics (entitled ADVENTURES OF BOY MALATA). para naman siya hindi malaki ngipin. Tingin ko iuupload niya din sa net yung kalechehang ginawa niya kay boy malata. Base sa comics niya, si Boy Malata ay isang superhero pero ang tingin ko ngayon ay isa na siyang super villain dahil sinabihan niya ako ng “LIIT” – tawagin mo na kong hayop, wag lang liit kundi dudurugin ko ang bungo mo ng pinong pino.
isa niya pang career ang pag-phophotography kuno. naging model niya na ko. ampanget ng kuha niya! grabe! di ko lang masabi na wag na siya umasa..hahah (JOKE ito,promise! Maniwala ka, joke lang ito)
Sa kabila ng pasakit na dinanas ko sa kanya, pagkadurog ng aking kamalayan sa buhay, at paglaho ng aking mga pangarap, tinuring pa rin niya akong kaibigan. Nawa'y maging mapayapa ka kung nasan ka man. YOU MAY NOW REST IN PEACE. hindi ka namin malilimutan ng CULLENS. maraming salamat. Paalam, Nadine JOYCE “ Nadz” H. Flores.
No comments:
Post a Comment