
Ito ay isang picture. Ay malamang, tanga?? Pero kung saan ito?? Sa UST Nursing Building to. Sa may gilid, left side when you’re facing it. Kinuhanan ko ito habang nakatang ako sa may upuan at naghihintay ng milagro nang bigla akong mapatingin sa nasa harapan ko at nasabing kong “syet. Ano to?”
Ang pagkakaintindi ko sa mga salitang nasa pader:
Rc, Longanisa, Vita plus, Revisco, Protacio, Fungi, experiment (tingin ko tama ito), syet. Syet. Syet.
Hindi ko maintindihan ang kinakana ng nagdesign ng building na ito. Syet. May sulat sa pader na kung ano, malamang Espanyol na parang nagmumura o ano. Sana naisipan ng designer ng building na lagyan ng English or Filipino CAPTION (parang koreanovela ba?). Hindi naman lahat nakakaintindi ng mga chorvalooo na yan. Ganun din ang suggestion ko sa mga Koreano pag gagawa sila ng kanta. Para naman nagkakaintindihan tayo at hindi puro SORRY SORRY SORRY at RUN, DEVIL, RUN lang ang naiintindihan ko.
Bibigyan ko isang milyon ang makaintindi ng nakasulat sa pader na ito. Isang milyong mura.
No comments:
Post a Comment