Powered By Blogger

Friday, August 6, 2010

Uuwi ka ba?

Anong pagkakaintindi mo sa “Uuwi ka ba?” Mahimbing akong natutulog ng maalimpungatan ako dahil may kumakatok sa kwarto namin, yung katulong. Hindi ko

Mahimbing akong natutulog ng maalimpungatan ako dahil may kumakatok sa kwarto namin, yung katulong. Hindi ko na matandaan kung bat siya kumakatok sa kaantukan ko. Ang naalala ko lang nabasa ko sa inbox ko ang mga text ng mga groupmates ko sa pagiinterview ng isang sole proprietor. Sabi nila, "Nandito na ko", "Papunta na ko". May interview kasi kami nang gabing yun.

Nataranta ako. 7pm kasi ang usapan namin ng sole proprietor at 6:30 na hindi pa ko nakabihis at nakakapagdinner. Takbo ako sa cr at bihis ng damit ala ng seremonyas seremonyas at sabay tooth brush kahit hindi pa naghahapunan. Karaniwang seremonyas ko sa cr: pagpapatugtog, paghihilamos ng mabagal, paliligo ng mabagal, pagaapply ng kung ano ano sa katawan ng mabagal, pero ngayon tooth brush na lang ala ng pabango pabango at pulbos.

Syet. Hindi ako masyadong conscious ng mga panahong yun kaya nalimutan kong magpaalam sa land lady namin na aalis ako. Tinanong ako ng katulong habang paalis na ko sabi niya, "Uuwi ka ba?" Sabi ko "opo" sabay alis dahil late na ko. Ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya ay UUWI AKO SA DORM. Malamang? uuwi ako sa dorm.

Sabay nang pagkasakay ko ng jeep nagtext ang land lady: Saan ka pupunta? Uuwi ka ng Bulacan? sabi ko: Hindi po may interview po ako ngayon. sabi niya: Akala ko emergency tinext ko pa nanay mo, di ka kasi nagsasabi eh. Hala?? Panikera (from the salitang hiram “panic”)??

Therefore, I conclude, ang “uuwi ka ba?” ay equivocal dahil may dalawa itong meaning o kung gusto mo dagdagan mo pa.
meanings:
uuwi ka ba sa dorm?
Uuwi ka ba sa Bulacan?

Kaya dapat buuin ang mga pangungusap nang sa gayon ay magkaintindihan ang lahat at walang fallacy of equivocation.

Alien speaking? Kuha ka ng Philosophy class kay Sir Pacquing.

No comments:

Post a Comment