Babala: Huwag basahin kung ayaw mong magduda sa Diyos na pinaniniwalaan mo. Ang lahat ng nakapaloob sa blog post na ito ay hindi dapat ituring na fact o katotothanan.
Nagkausap kami ni Nadz, sira ulo kong friend na dating atheist at ngayon ay agnostist na. Agnosticism – doctrine holding nothing is known of existence of God that man cannot know existence of anything beyond his own experience. Ang ibig sabihin ay naniniwalang SA NGAYON ay wala pang taong nakakaalam sa pagkakaroon ng God mapaanumang relihiyon o anumang field of science. For the first time, ngayon lang kami nagkausap ni Nadz ng matino at may sense. Haha! Hindi kami satanista o hindi rin kami atheist na hindi naniniwala na may God. Hindi rin naming kinocondemn si Bathala, ang tanging ginagawa lang naming ay exchange of opinions due to curiosity. Walang masama sa pagiging curious sa existence ni God, actually, theology ang tawag sa field na ito kung saan pinag-aaralan si God at ang existence niya.
Ito an gaming nabuo sa makasaysayang pag-uusap na iyon:
Nadz: Kasi kung iisipin mo ano ba ang religion? Para sakin, ang religion ay excuse para maiexplain ang mga bagay na di pa natin alam. Example:
Bakit kumikidlat?
Ancient Filipinos: kasi nagagalit si Bathala
Which is the same with…
Saan tayo nanggaling?
Christians: gawa tayo ni God
Ako: Masasabi kong epal ang sasagot ng dahil sa nagmeet ang sperm cell at egg cell kaya tayo nabuo. Bakit? Incomplete answer. Eh saan nagmula ang sperm cell at egg cell? Saan nagmula ang pinagmulan ng sperm at egg cell and so on? Kung ano man ang pinaka origin nay un ay wala pang nakakaalam. Pero marahil ang sasabihin nila ay si God ang gumawa ng pinagmulan ng sperm at egg cell and so on. Paano ka nakakasigurong si God nga? Dahil ba sa 5 ways ni St. Thomas na causality in which sinasabi na kung may bunga, may sanhi at ang bunga ng lahat ng mga sanhi ay si God? Critics said that causality of St. Thomas is already considered as absurd and the most appropriate way to illustrate origin is the circle kung saan kung san ka nagsimula ay dun ka rin magtatapos. Hindi ko maeelaborate pa ang circle circle chorva na to dahil kulang ang aking kaalaman better to consult Sir Pacquing.
Nadz: Balik tayo sa ancient times, yung mga panahong wala pang alam ang mga tao. Magtataka sila, “bakit kaya umuulan?” hanggang sa iisipin nila na siguro may kumokontrol sa langit kaya umuulan. Kaya nagobserve sila at natataong pag may ginagawa silang ritual, nauudlot ang ulan. Tapos mapapansin un ng lahat hanggang sa sang-ayunan nilang baka nga may kumokontrol sa langit and POOF! Nagsimula na ang nature of worshipping.
Ako: Agree ako sa statement na to. Hahaha. Ang tipid ko.
Nadz: tapos dumaan ang maraming taon at nainlove na ang mga tao sa kaalaman, sa syensya. Tapos natutunan natin na ang ulan ay tubig na nagevaporate at nagcondense at naging tubig ulit. Asan si Bathala dun? So automatically, rejected na ang nature of worshipping hanggang unti-unti tayong natututo, unti-unti nating narereject ang religion.
Bakit kumikidlat?
Scientist: Dahil sa static electricity.
Ako: Sa aking palagay, contradictory ang science at religion at ito ang nakakagulo sa isip ng tao, kung sa religion o sa science ba maniniwala at ang desisyon ay depende sa mismong tao. Sa concepts pa lang sa Bible, tumataliwas na ang science. For example, dun sa plague kung saan sumugod ang mga insekto, mga daga, at naging pula ang ilog (I’m not sure kung ilog ba, basta, body of water). Sinasabi ng science na natural phenomenon lang ang mga yun. Ang sabi naman ng Christians, knocontrol ni God ang natural phenomenon na yun para makipagcommunicate sa tao (particularly sa pharaoh para palayain na ang Israelites from slavery). Hindi rin masasabing tama ang chronology ng Bible at aminado naman ang Church doon dahil tao lang ang gumawa ng Bible at tao lang din ang ginamit na instrument ni God para maisulat ang history Niya.
Nadz:Para sakin, ang Bible ay isang mahabang nobela na sinulat ng mga pinakamahusay na bangkero sa mundo. At ang Christianity ay isang malaking fans club ng nobelang un. Ang tao kasi, pag masyadong naiinlove sa isang concept, dun niya pinapatakbo ang buhay niya. For example, Buddhism. Maraming naattract sa principles ni Siddharta Gautama kaya maraming naniwala sa kanya, hanggang sa naging accepted religion na to.
Ako: Minsan naisip ko na din na binangka lang ang Bible pero ayokong maniwala. Mayron ding kasing mga proofs na totoo ang Bible like yung pinaglibingan ni Jesus, and etc. Mayroon din kasing mga writers noong unang panahon na nababalitaan ang miracles ni Jesus at nasasama pa si Jesus sa mga literaries o ano pang writings nila. For example, si Tacitus, Roman historian na nabanggit ang pagpapako sa krus ni Jesus at ang plagues na ginawa niya sa Egypt. Si Pliny the Younger (merong Pliny the Older sa maniwala kayo at sa hindi…hahaha) nabanggit niya na si Jesus ay tinatrato ng mga tao bilang God at nagwiwika ng mga salita ng Diyos.
Nadz: Ngayon, kung titigan mo san galing ang Earth? Di pa alam di ba? Pero alam mo bang nahanap na ang fragment waves ng big bang kaya posibleng totoo ito? Madami na kasi tayong nadidiscover at bawal discovery lalo lang nito nadidisprove si God. Walang kumokontrol ng langit, walang kumokontrol ng dagat, or iba pang chever. Lahat ng bagay nangyayari dahil sa logical causes lahat ay isang malaking series of events na may logical basis.
Ako: Ang Big Bang ay isang theory na sinasabing ang Earth ay galing sa isang malaking pagsabog at ito rin ang pinakaaccepted na theory about sa origin ng Earth sa science. Alam niyo bang mayroong Big Crunch kung saan sa huling bahagi ng buhay ng mundo ay magsasama sama ang mga fragments from the big explosion at ito ang magiging katapusan ng mundo. Kung saan nagsimula ay doon din magtatapos, nasabi ko na yan sa circle chever sa may first part.
Nadz: Tingnan mo ah..
Q: Bakit umuulan?
A: meteorology
Q: San galing ang mga bituin?
A: Astronomy
Q: bakit may lumalabas na dugo pag nasusugatan?
A: Anatomy and Physiology
Q: Bakit tayo nagmamahal?
A: Psychology
Asan si God dyan? Mas maniniwala ka ba kapag…
Q:Bakit umuulan?
A: Kasi umiiyak yung mga tao sa heaven
Nakakatawa na pakinggan diba?
Ako: Nung bata ako naniniwala ako na pag umuulan, umiiyak si Jesus. Haha. Seryoso
Nadz:Eto pa
Q: Maghapon na kaming nagdadasal, bat di pa rin gumagaling ang lolo ko?
A: E gago ka pala eh, dasal ka lang ng dasal, may magagawa ba yan? Ipagamot mo kaya
Q: Bakit siya pumasa sa exam e nagdasak lang naman siya?
A:E isa ka pang gago. Malamang nagreview yan kagabi.
Pilosopohan lang diba? So ang religion di naman talaga kailangan. Supplement lang sya sa morality, para di mo masaktan ang sarili mo sa katotohanan.
Ako: Gago ang taong puro dasal lang. Aba, hindi naman genie o wishing well si God (kung meron), hindi pedeng hiling ka lang ng hiling tapos di ka kumikilos? Aba, sniswerte ka,boy…
Nadz: Pag pinagtagpi tagpi mo ang lahat, babalik lang tayo sa dati,
Q: ano ang purpose ng religion?
A; para may paniwalaan tayo dahil sa ngayon ay di pa alam masasabi mo bang mali ako?
Ako: Lahat ng bagay ay kayang iexplain ng syensya ngunit hindi pa sa panahong ito at kung masasabi mong tama pa ang eksplanasyon na yun. May God man o mawala, masasabi kong may pinagmulan pa rin tayong hindi natin alam kung ano, sino, kailan o saan. Ngunit kung ano o sino man ang being na lumikha satin, tiyak akong malalaman din natin yun, pagdating ng panahon, pagdating ng ating KAMATAYAN. Pag may nakita kang heaven or hell (malas mo), masasabi mong totoong si God at kung hindi naman, nakakalungkot namang isipin na kalokohan lang pala si God (ayokong maniwala sa latter part). Ikamusta mo na lang ako sa Kanya kung mauuna ka.
At tae…inaaya pa ko ni Nadz na maging agnostist. Pucha chaka ko icoconfirm o irereject yang offer mo pag namatay na ko(lahat naman dadating dun) at napatunayan ko kung totoo ba o hindi si God.
No comments:
Post a Comment