Naglalaro kami ng pinoy henyo ng mga kaklase ko. Ako ang manghuhula ng word. Una kong tinanong ang pamatay na tanong, TANGIBLE OR INTANGIBLE? Haha..naalala ko ang skarfz. Pagpipinoy henyo kasi ang lagi naming past time nun. At ang mga word na madalas pinapahulaan ay yung mga word na henyo lang talaga ang makakasagot. Yung mga word ay: Gautama Buddha, ribosomes(nasagot ng dakilang si Madz), logarithm, at kung ano ano pang mga kalokohang words.
Nakakamiss syet. Gusto kong umiyak habang nagpipinoy henyo with muslim Rashid, hayop na Tagurong si Richard, pao, Kevin CARRION (hindi ibang kevin), idol Joshua (na nagpapakana ng toot ni Satanas, syet, di ko macarry yun), at si seatmate Vincent.
So ayun…pinoy henyo kami…sani nila lahat daw meron nito at basta…yun nay un…
Ang ending ang sagot: LIBAG.
Pucha. Mas lalo pa kong nalungkot dahil naging word na rin namin to ng skarfz noon. Haist. Namiss ko ang mga kalokohan sa pinoy henyo at nagtatanong pa kung nagstastart sa A, B, C…..Z (wala namang sinabi sa rules na bawal ahh)
No comments:
Post a Comment