Powered By Blogger

Thursday, October 21, 2010

Ang Pinagbabawal na mga Salita

Mayroon akong pinagbabawala na mga salita – salitang kahit kailan ay ayokong marinig o mabanggit man lang. Isang salita na pag narinig ko ay tiyak na manghihina ako at maaalala kung gaano ako kawalang kwenta para basagin na lang nang basta basta. Ang mga salitang ito ay ibinaon ko na sa likod at kaila-ilaliman ng bokabularyo ko. Kalahating taon ko na rin itong hindi binibigkas…pero nito lang, nagbago ang lahat. Nagkaron ako ng lakas para banggitin ang pinagbabawal na salita, para bang kaya ko pa itong ipagsigawan. Ngayon, hindi na siya pinagbabawal…malaya ko na siyang mabibigkas.

Ang mga salitang ito ang bumasag sa pagkatao ko, pumunit sa kaluluwa ko, nakapagpasakit ng ulo ko, at ang yumurak sa kalooban ko. Simula ng sirain ng salitang to ang buhay ko, hindi ko na siya muli binigkas.

Ang mga salitang ito ang sumira sa samahan namin ng HINAYUPAK kong ex.

So, ang mga salitang to ay 7 letter word, 2 syllables, English. Hala…Hulaan to?

MISS YOU.

Ngayon, kaya ko na itong banggitin. Kaya ko na siyang isigaw ng paulit ulit.

MISS YOU!
MISS YOU!!
MISS YOU!!! (paulit ulit?)

Ang pinagkaiba nga lang ay hindi ko na sayo to sinasabi at kailanman ay hindi mo na to maririnig na sinasabi ko sayo. Diba mas gusto mo namang marinig ang salitang to mula sa KANYA? Ang pinagsabihan ko ng salitang to ay mas karapat-dapat kaysa sayo (Isang malaking sampal sayo no?).

MISS YOU. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin alam kung kailan pa. Hindi ko alam. Basta binigyan mo ko ng guts para sabihin ang pinagbabawal kong mga salita. MISS YOU. MISS YOU. At siguro…hanggang MISS YOU na lang din yun.

No comments:

Post a Comment