Nakatulog ako habang sinasagutan ang mga pesteng mga tanong sa eleap...
Nagising ako ng tumawag ang classmate ko...Wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya...para siyang ipis na nagsasalita at isa pa ay natutulog pa ang kaluluwa ko.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako lumabas ng kwarto...at nagpanic...akala ko umaga na at late na ko. papasok na sana ko ng cr para maligo nang maalala ko na naidlip nga pala ko..syet..chaka lang nagising ang kaluluwa ko...
BRAINSTORMING kami ng kaklase ko..brainstorming....collaboration...
So ayun mga 2 hours akong nagsagot...buti na lang tumawag ang kaklase ko at hindi nagtuloy tuloy ang pagtulog ko..
WTF. naloka ko ng may naririnig akong mga kanta sa simbahan. pucha..feeling ko kukunin na ko ni lord...nakakaloka ang soundtrip na to habang nagsasagot ng nakakanosebleed na word problems sa math...amanamin....sumasalangit ka...feeling ko ang banal banal ko!!!
kulang na lang kuhanin na ko ni sir pet mula sa langit na all white at nakasilky pants...tapos with matching ilaw from heaven pa..
so matapos ng aking pagiimagine, pucha, 55/100 lang ako sa quiz...
take note, nanginginig nginig pa ko habang nagsasagot at nagsilabasan ang mga rashes ko (lumalabas to pag nakakaramdam ako ng sobrang galit, sobrang kaba, sobrang kilig and what so ever)
pasabugin ang eleap!!may mali talaga...may mali...maling mali...
No comments:
Post a Comment