Powered By Blogger

Tuesday, October 19, 2010

Ina ko

Naloloka ako. May bagyo pero sige, blog pa din ako. WTF. Yung nanay ko nakakaloka. Bumabagyo na naglalagalag pa sa may USTE. Sus maria! Dinaig pa ko. Anak ng Pating. At ito pa, nagpapasundo pa siya dahil daw ang lakas ng ulan at alang payong. Sus maria!

Tapos ako pa yung nagtetext ng..”Nasan ka na ba? Bumabagyo na nasa galaan ka pa.” Tapos ang reply niya, “Asa SM, nagpapatila”. Sus! Ano ba ba yan. Nakuha pang mag-SM. At sabi ko naman, “Wag ka ng magpatila, abutan ka pa ng baha dyan”. Ano bay an. Ako na nanay, siya na anak. Anak ng tipaklong.

Ayaw pa kasi umuwi bumabagyo na nga. Aba. Baka gusto mong hindi kita pag-aralin, nay. Ang baba baba ng grades mo nakukuha mo pang gumala. Aba. Aba. Aba. Naghihirap ako kakapaaral sayo. Paksyet.

At nang magkita kami ng nanay ko at nakita ang henna ko sa braso…
Nanay: ano yan? Helicopter?
Ako: HINDI!AIRPLANE TO!AIRPLANE!

Expected ko talagang magagalit siya pag nakitang nagpahenna ako pero hindi. Pusa. Nakakaloka ang nanay na ganito. Mas gala pa kaysa sa anak. Nakakaloka.

No comments:

Post a Comment