Kaya mo bang hindi matulog ng dalawang araw? Kaya mo bang matulog ng kalahating araw?
Oo. Sa loob ng dalawang araw, nasa mga 5 or 6 hours lang ang tulog ko, bale, mga 2-3 hours sa bawat araw na hindi ko tinulog. Hindi ko na magawang makatulog kakareview. Finals na kasi, ang kinasusuklamang araw ng mga studyante. Para kaming pinipilit na ibaon sa impyerno o kaya naman ay pakainin ng gamansanas na kulangot (sabi ni liezle..LOL).
Ang finals o anumang exam ay pasakit sa buhay estudyante yung tipong mag-aaral ka tapos hindi naman pala lalabas sa exam yung mga inaral mo – parang sa kaso lang ng history ko. Susme! Dahil sa kakareview sa history, hindi ako nakatulog ng isang araw tapos nung binobrowsse ko yung mga question sa exam….syet…nawawalan na ko ng pag-asa dahil hindi naman naming napag-aralan o nadiscuss man lang. Panginoon! Sana natulog na lang ako. Noong araw na nirereview ko yung history, mga 2 hours lang ang tulog ko sa magdamag, tapos kamukat mukat ko, kalupit lupit pala ng exam.
Diyos ko…wala talagang konsiderasyon sa mga studyante niya, wala pang bonus points (although hindi naman required). Ayoko talaga ng history!!!!RAWR! past is past diba? Bat pag-aaralan mo pa sila? Hindi naman ako makarelate sa mga istorya ng katipunan…commonwealth…death march at kung ano pa dahil hindi pa ko buhay noon!!! Maikukumpara ko ang pagaaral ng history sa isang barkada na naguusap tungkol sa isang movie na hindi mo pa napapanood at kahit na bored na bored ka na sa pinaguusapan nila ay hindi mo magawang makaalis sa usapan nila dahil wala ka ng pedeng ibang kausapin. In short, hindi ako makarelate.
Ang pangalawang araw ko naman na wala akong tulog ay dahil sa Biology. Ang haba kasi ng coverage ng exam tapos maski isang chapter hindi niya nadiscuss dahil nasa ospital ang prof (inatake kasi sa puso). Pero hindi ko naman siya masisisi. Eh sa inatake siya eh? Ala namang pumasok siya ng klase ng nakadextrose at hindi makahinga..naku..delikado yung…baka matuluyan. Buti nga nakapasok na siya nung examination date naming, yey!! Nakarecover na si sir! Idol ko talaga yung prof ko nay un kasi kahit anong itanong mo sa kanya basta may kinalaman sa bio alam niya. Para pang detective!! Gusto kong maging tulad niya paglaki ko. When I grow up, I want to be like Sir Garcia (sana lalaki pa ko! Syet.)
Buti naman this time, yung mga inaral ko ay maraming tanong na ganon sa exam (sana tama rin ang mga sagot ko) at yung mga hindi ko naman naaral ay kaunti lang sa exam (sana maka chamba). Medyo sulit naman pala ang ikalawang araw ko ng hindi pagtulog.
Yes! Makakatulog na ko! So ayun! Mga 4pm to 7pm tulog ako. Sa pagtulog ko nay un tumawag friend ko ng isang beses at ang nasabi ko lang ay “Oo”. Ang totoo kasi niya hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya dahil antok na antok na ko. Hindi ko na rin masyadong matandaan kung ano pa ang mga sinabi ko. Hence, ang nakausap ng friend ko ay ang subconscious jaja! Hahaha. Parang lasing lang. Noong isang araw din, si Ruby naman ang nakakausap sa subconscious jaja. Tumawag kasi siya ng natutulog ako, ako naman sinagot ko pero hindi ko rin talaga matandaan ang pinagsasabi niya dahil kinakausap niya ko tungkol sa mga normal flora (mga bacteria na normal na nasa katawan ng tao). Ang nasabi ko lang ay “bacteria” at puro “Oo”. So it means na pag puro “oo” lang ang sagot ko pag tumawag kayo, ang subconscious jaja ang nakakausap niyo.
So ayan, gising na ko ng 7, tumawag ulit yung friend ko pero this time gising na talaga ko. Masakit lang ang lalamunan ko at may sipon kaya hindi rin kami nagkaintindihan. Susme! Paulit ulit kong sinasabi ang mga sasabihin ko. Hahaha. Hindi niya kasi maintindihan ang boses ko. Paksyet. May nabanggit siyang tungkol sa pagakyat ng bundok, bakit? Kailan pa nagkaron ng bundok sa Caypombo? Putangina. May bundok pala dun? O baka naman yung bundok na yung ang kuta nila ng mga ka-KULTO niya?
Kumain lang ako tapos bandang 8 tulog ulit ako. Hanggang 5am na yun! Binilang ko yung oras na tinulog ko. Syet. Halos kalahating araw akong natulog! Pusa! Gumising lang ako para kumain! Diyos ko! Sobrang tulog naman ngayon.
Feeling ko magkakacancer na ko dahil pag kulang daw lagi ang tinutulog ng isang tao, mas lalong magiging prone to cancer, sabi sa Bio book namin. Eh sira na ang body clock ko!
Therefore, I conclude, kakayanin pala ng tao na walang tulog ng 2 araw at nagawa ko yun!!! YES!
No comments:
Post a Comment