Matagal nang nangyari ito pero ngayon ko lang naalalang isulat, nangyari kasi ito nung HELL WEEK.
Pupunta ko sa Fatima para sabayan si Nadz sa paguwi sa Bulacan kaya sumabay ako kay Von (ay, mali nagpahintay pala ko sa kanya, dalawang oras ba naman ako magpahintay). Naiwan ko ang charger, nagpalit pa ko ng damit at kung ano ano pa habang naghihintay si Von. Tae. Hindi ko talaga sinasadya. Sensya. Alam kong nabwibwisit na kayo ni Yen nung mga panahong yun dahil alam kong wala kayong pasensya tulad ko. Haha. Pero atleast nakapagbonding kayo ni Yen diba? Nakapagdate pa nga kayo eh? Hahah
So ayun, pasakay na kami ni Von at si Yen naman sasakay na ng ibang jeep. May nadaanan kaming jeep na papuntang Monumento pero sabi ni Von hindi daw yun, dun pa daw sa kabilang kanto. Nakarating na kami sa isa pang kanto at nasabi niyang mali pala siya, dun pala sa kanina ang sakayan. Pocha. Naglakad pa kami. Buti walang pasikot sikot yung lugar kundi naligaw na kami. Nu ba yan. Tama nga si Gab ala kang sense of direction.
Pagbalik namin sa tamang sakayan, andun pa din si Yen. Magkasunod lang na umalis ang jeep naming. Pakaway kaway pa kami kay Yen sa kabilang jeep (parang tanga lang). Nang nawala na ang jeep ni Yen sa likod naming, kinabahan kami baka sumabog na yung sinasakyan ni Yen (hanggang ngayon natatawa pa din ako..hahaha). Pero bago pa yang hirit na yan, nagtanong si Yen kung san kami sasakay ni Von, sabi ni Von, sa spaceship daw. Pocha. Naloka ko. Haha. Napakatino pa naman ng pagkakatanong ni Yen tapos ang tino din ng sagot ni Von. Ayoko naaaa. Haha. Parang buong araw lang akong tumawa. Tumatawa lang ako habang naliligaw na kami Von.
Tapos pota. Sabi k okay Von sa may dambana malapit sa Fatima ako bababa. Tapos pinara niya ko sa may Fatima. Paksyet. Ang layo ng nilalakad ko. Tirik na tirik pa ang araw. Sa Main niya ko binababa. Tapos ako habang hirap na hirap sa paglalakad, nakikita ko pa siya sa jeep na tumatawa tawa lang. Pucha! Kasalanan mo to!!!Tumatawa tawa ka pa diyan. Hinayupak ka kahit malabo mata ko kitang kita pa din kita. (natatawa na lang ako sa panahong to) Tapos sabi niya pa sakin sabayan ko na lang daw yung isa pang nakasakay kasi sa Fatima rin ang baba nun. Pocha. Napahamak pa ko. Tapos nung nakababa na ko, nakwento niya pa sakin na may nagtanong pa daw sa kanya nun sa pasahero kung san daw ako pupunta tapos siya daw tumawa na lang (hayop ka talaga!hahaha. ang sama mo.)
At kinabukasan…..napagusapan naming ang nangyari kahapon, ang pagkaligaw ligaw ko, at paglalakad ko ng mahaba at sinagot niya ko ng “HAHAHAHAHAHAHHAHAHA!!!” Grabe ang tino mo! WOOOOO! Hahaha. Sasambahin na kita! Pocha! Akala niya raw yung sinasabi kong DAMBANA eh pangalan ng lugar eh yun pala daw eh dambana pala talaga. Leche. Dapat sayo may nakatatak na mapa sa noo nang di ka maligaw at hindi mo ko iligaw eh. Hahaha.
No comments:
Post a Comment