


Ito ang mga iniwan sakin ng mga friends ko ngayong sembreak…napakamemorable no? Grabe. May gamot at may mantsa sa damit. Tsk tsk.
Sinisipon kasi ako kaya binigyan ako ni Dieza ng isang kaban ng neozep na parang wala namang effect dahil hanggang ngayon sinisipon pa rin ako. Naku. Natatakot ako baka isang taon ding ako sinisipon parang si Marc. Hahaha. Sabi niya inumin ko raw yun every 6 hours. Anaka ng pating. Nung uminom ako, parang mas lalong lumalala kasi hindi na ako makahinga at parang tinuyo na ng neozep ang lahat ng sipon ko at binilock ang air pathway sa ilong ko. Syet. Ano to usapang sipon? Ayoko na. tae
Ito namang mantsa na to ay binigay ni Ruby sakin. Hayop eh. Kumakain kami ng twister sa McDo (di masyadong masarap buti pa yung fries). Eh hindi ko mabuksan yung ketchup kaya pinabukas ko kay Ruby, eh nalimutan kong palpak nga din pala si Ruby, ayun, natilamsikan yung uniform ko. Rawr!!! Simula ngayon magshishield na ko pag may nabubukas ng ketchup. Sa dami dami naman kasi ng pedeng tilamsikan, bat ako pa? BAKIIIIIT??? Pwede naman si Mean na lang.hahaha. Iba talaga pag malas. Lagi kong naattract ang malas. Nu ba yen.
No comments:
Post a Comment