
Hindi talaga ako kumakain ng gulay bukod sa carrots at squash pero nitong kumain kami nila Ruby naisipan kong magpakavegetarian. Syet. Sinapian talaga ko. Hindi talaga kasi ako kumakain ng ampalaya, sayote, okra, sitaw at kung ano pang kulay green dahil pag kulay green mapait o kaya naman ay walang lasa. WTF. Hindi ko alam kung sumapi ba sakin si Satanas o San Pedro naisipan kong umorder ng gulay. Syet.
Nakikita mo yang meal nay an. Ang nakain ko lang dyan ay yung soup at kanin. Hindi ko alam, combo pala yan ng mga ayaw kong ulam, yung matamis at gulay! TAE! Nung tinikman ko yung kulay puti na gulay dyan, kadiri, iniluwa ko. Hahaha. Hindi ko talaga maatim ang lasa! Para kong kambing na kumakain ng damo. Kaya alam ko ng maaga akong mamatay eh. Mahilig kasi ako sa karne at sa sweets (pwera sa sweet na ulam at sweet na tao…LOL). Kaya kawawa ang magiging asawa ko, iiwan ko siya agad dahil maaga kong mapupunta sa heaven! Haha. Pero wag ka, normal ang blood pressure ko (sa ngayon). Hahah.
Kaya ang ginawa ko sa gulay at sa meat nay an ay nilublob ko sa sabaw na parang tubig baha nila Yen. Haha. O diba? Para magkalasa naman yung tubig baha.
No comments:
Post a Comment