Powered By Blogger

Thursday, October 14, 2010

Storya



Bumili ako ng baller…wala lang..trip lang…mura lang naman…actually, isa lang dapat ang bibilin ko pero napabili ako ng dalawa…bakit? Ito ang aking dahilan..

Naisip ko, karaniwang inaarbor ang baller, kung bibili ako ng isa, may aarbor lang kaya bumili na ko ng dalawa. Kaya kung sino man ang hihingi ng baller ko na tig-10 ang swerte mo! Pinagreserve na kita kahit na hindi pa kita kilala.

Naisip ko rin na pag isa lang ang binili ko, mawawalan ako pag may humingi. Bumili ako ng dalawa para kahit mawala man o hingin yung isa…kumpleto pa rin ako kahit wala na yung isa na yun. Mabubuhay ako kahit na wala na yung isa na yun…

Kung sino ka man, sinasabi ko na sayo ang swerte mo dahil hindi pa kita nakikilala o nagkakilala na, nakareserve na to para sayo…

Sa ngayon, wala pa siyang kwento pero….naghihintay siya na magkaron ng sarili niyang istorya…ano daw? Labo.

5 comments: