Powered By Blogger

Monday, July 26, 2010

Ang Dating Daan


Kung nabasa niyo yung Macasieb’s theory…dapat basahin niyo kung hindi, ilulublob ko kayo sa putikan. Anyway, ito yung kalsadang nilalakaran ko nang maisip ko ang tungkol sa mga backpack na siyang dahilan ng aking pagkabansot.

Kung inaakala niyong walang dulo ang daan na ito, pwes nagkakamali kayo. Ang dulo nito ay bahay namin. Kami ang THE LAST HOUSE ON THE RIGHT. At ito ang maputik, mabato, daan na pinaninirahan ng mga engkanto ay nuno, daan na minsan ay may sumusulpot na ahas at patay na palaka, daan na masarap magtampisaw pag umuulan kahit mangingitim ang gilid ng kuko, daan na puno ng TAE, daan na may nanunugod na aso at kalabaw (joined forces…tumatakbo na lang ako pag nagcombo sila) at daan na ayaw kong daanan. Syet.

Sino bang gusting maglakad dito? Ako pa naman yung taong pag umuulan, nagkakaputik putik ang paa. Pero wala akong choice, hindi ako makakarating sa school ko nung HS. Hindi naman ako pwedeng lumipad or dumaan sa bukid na may mataas na talahib (mamatay ako sa dami ng ahas dun). Pakiramdam ko nga ito yung tinutukoy ni Robert Froste sa tula niyang THE ROAD NOT TAKEN kasi sabi niya puno dawn g struggles yung road nay un. Eh eto hindi lang struggles, buhay ang nakataya sa bawat daan mo dito. Ito rin ang dahilan kaya hindi ako makauwi ng gabi, dahil sa takot kong madakma ng kapre. Ito ang mga posibleng mangyari sakin sa daanang ito:
-100 times na madapa dahil sa dami ng bato
-mahabol ng asong ulol
-mahabol ng kalabaw na nauulol
-makagat ng ahas na nakikiulol
-marape
Case 1: marape ng TAO
Case 2: marape ng KAPRE
Case 3: marape ng matandang nagpapastol ng kalabaw sa bukid
-makidnap ng mga teroristang nagtatago sa bukid.
-makatapak ng tae

Congratulations sakin dahil nakasurvive ako sa pagdaan dito ng halos 16 years. Yehey!

Ngayon, panibagong daan naman ang tinatahak ko, mas maraming pagsubok, mas maraming kapahamakan.

No comments:

Post a Comment