Powered By Blogger

Monday, July 26, 2010

The Last House on the Right

Ang lokasyon ng bahay naming ay liblib, napaliligiran ng puno, at malayo sa kalsada. Ang bahay rin naming ang huling bahaya sa kanan. Tatlo lang ang malapit na bahay sa amin. Yung isa, isang puting masyon na dating tinirhan ng mag-asawa ng wala pang isang taon. Since na nagmigrate na sila sa ibang bansa, wala ng nakatira sa bahay na katapat namin (puting mansyon) Ngayon, may panandaliang nakatira doon kasi ginawa na siyang martial arts training center. Pagkatapos yung dalawang bahay na malapit sa amin ay halos laging walang tao gayundin naman ang bahay namin dahil laging nasa trabaho ang mga magulang ko at ako naman nasa Manila na.

Noong doon pa ko nakatira, lagi akong naiiwan magisa sa bahay since elementary. Mula hapon pagkauwi ko ng school hanggang gabi. Mga bandang 8pm na kasi nakakauwi ang mga magulang ko.

Noong una, natatakot akong magisa pero ngayon nasanay na ko sa KANILA.

Sabin g kaklase ko dati na taga-doon talaga ang pamilya nila. Sa mismong lupa daw naming nilibing ang lolo niya pero hindi ako naniniwala dahil hindi ako tanga. May sementeryo na kaya noon, at hindi sementeryo ang lupa nay un para paglibingan. Syet.

Ang sala naming ang lagi kong tinatambayan sa bahay namin. Nakaupo ako madalas sa sofa na katapat ng tv. At sa likod at kanang bahagi ng sala namin ay may bintana na makikita ang mga puno sa bakuran namin. Yung bintana sa kanan, hindi naming nilalagyan ng kurtina dahil didilim ang loob ng bahay kaya kitang kita mo ang kadiliman ng gabi at kaliwanagan ng umaga mula rito.

Halos 10 beses ng naulit ang pangyayaring ito sa akin. Tuwing abala ako sa panonood ng tv o pag-aaral, may nakikita kong dumadaan o gumagalaw sa may kanang bintana. Hindi ko ito nakikita ng malinaw. Sa gilid lang ng paningin ko nakikita. Parang
peripheral vision? Wala akong third eye at ayoko ring magkaron. Hindi lang siguro 10 beses nang yari sakin to pero hindi ko na lang pinapansin, hindi naman nila ko inaano eh. Oo. Natatakot ako kaso nasanay na lang siguro talaga ako.


--To be continued....tinamad ang author

2 comments:

  1. Hi,

    Martial arts training videos teach self defense by providing various fighting methods and defense techniques. These martial arts training videos are unconventional fighting techniques which give you the maximum advantage in any violent situation where your safety is on the question. Many amazing training videos can be found in cheapsafetyproducts.com.

    ReplyDelete