Powered By Blogger

Wednesday, July 28, 2010

The Last House on the Right II

Hindi lang ako ang nakakaranas nito, pati ang nanay ko. Nito lang, namatay ang tito ko because of lung cancer then si Mommy, duwag. Siya lang magisa sa bahay nun, naglakwacha pa si Daddy at ako, nandito sa dorm. Matutulog na daw siya at tinanggal niya na ang saksak ng tv. Pagkatanggal niya ng saksak ng tv, biglang namatay ang ilaw. Hindi naman connected ang ilaw naming sa tv. Nagbihis agad si Mommy at pumunta agad sa kapitbahay sa takot. Chinika niya pa sa kapitbahay ang nangyari sa kanya. Char! Ako nga ilang beses ng namumulto hindi naman ako tumatakbo sa kapitbahay. Minsan nga kumukurap kurap yung ilaw, pero snob lang. MATATAKOT AKOT AKO SA BUHAY PERO HINDI MASYADO SA PATAY.


Minsan din, pagkauwi ko ng bulacan from manila, nagrereview ako while watching tv while texting, while writing (see…I can do multi-tasking), bigla na lang akong may nakitang itim na gumagalaw sa pader. Maliit lang siya, mga 4 inch. Hindi ko marecognize kung ano ito dahil na rin malabo ang mata ko. Pero nang makita kong lumilipad na sakin yung bagay na yun. Nagsisigaw ako habang tumatalon habang kinukuha ang books ko habang pumupunta sa kwarto. Syet. Napakalakas ng kabog ng puso ko nun, kung high blood ako, inatake na ko sa puso.

Nasa loob na ko ng kwarto nang mapagtanto ko na butterfly na black yun. Pero paano siya nakapasok ng bahay eh sarado naman lahat ng pinto at bintana? Achaka bigla kong naalala yung isang movie na tungkol sa butterfly, yung butterfly na black daw spirit daw yun. Nalimutan ko na kung ano yung movie na yun. Naisip ko agad si tito, at naisip ko rin n asana wag niya naman akong takutin. Pero tinatakot niya ba talaga ako o nagpapaalam lang? Hindi ko sure kung kelan nangyari sakin to pero alam ko malapit ito sa ika-40days ng pagkamatay ng tito ko or mismong ika-40 days niya. Nang maisip kong siguro nagpapaalam lang siya, okay lang basta wag lang niya ko biglain or magpakita, sana maintindihan niya na may pagkaduwag din ako. Bigla ko tuloy siya namiss kahit hindi kami ganun kaclose, close lang ako sa mga anak niya.

Maraming mga nangyari, nangyayari, at mangyayari sa bahay naming pero sana laging nandyan si God para di ako matakot c:

No comments:

Post a Comment