Maghanda para sa matinding SELF-EXPRESSION.
PREMUNITION
Si Manong tricycle driver (nasa gooodmooorniiing) ay muli ko ulit nakita. Tinanong niya ako, “Saang school ka?” sagot naman ako kahit di ko siya kilala, “UST po.” Tapos nagreply siya, “sige INGAT KA.”
Parang may nais ipahiwatig ang pagkakasabi niya ng INGAT KA. Feeling ko tuloy mamatay na ko ngayon. Kaya tinext ko si Dieza, kadorm ko, na pag namatay ako ngayon si mamang driver ang may kasalanan.
ANG AKING 1. 25
Noong una pa lang tanggap ko ng hindi ako makakatanggap ng 1.25 sa PE ko. Ang mga expected kong grade ay mga 2 hanggang 3. Hindi ako umaasa ng mataas.
At THANK YOU, LORD….naka 1.25 ako sa swing kahit na halos lahat ng ginagawa namin ng partner kong si Von ay puro kamalian. Bakit ganon? Hindi niya ba alam na ako at ang partner ko ay isang sumasayaw na kamalian. At kasing tigas pa ng bato ang katawan ko, pusang gala. At tuod din ang partner ko (sabi ng nanay ko nang makita niya si Von)Therefore, I conclude, para makakuha ng 1.25 sa PE kailangang tuod ka at kailangang sumasayaw na kamalian kayo ng partner mo.
KAPALIT NG 1.25 AT SAGOT SA PREMUNITION
Mukhang uulan. Pero bili pa rin kami ng float ng friend kong si Ruby. Edi ayan nakabili na kami, biglang umulan. Syet. Ang dami kong dala: shoulder bag, paper bag na kasing bigat ng unano, at ang float. Hindi ko malaman kung pano ko kukunin ang payong sa loob ng bag ko kaya ang ginawa ko ay tumakbo na lang ako.
Basang basa ang loob bag ko noon dahil sa ulan.
At ito namang si Ruby, parang prinsesa, nagpahintay pa sakin. Maghintay daw kami ng tricycle na sasakyan niya. At take note nagpapayong pa siya sakin noong papasok siya ng tricycle. Pusang gala. Ako naman uto-uto na sumunod sa kanya. Basang basa na ang paa ko pati ang pants ko.
Edi sakay na ko ng jeep pagkatapos kong sundin ang utos ng aking mahal na reyna RUBITCH PUSANG GALA. Hindi ako magkanda-ugaga sa dami ng gamit ko at putang ina, habang umiinom ako ng float pero nakuha ko pa ring tulungan yung high school na girl na umakyat ng jeep. Nsabit kasi yung payong niya sa jeep. At putang ina nasiko ako ng tinulungan ko at ang resulta nabasa ang loob ng bag ko ng float dahil nakabukas ito. Tumulong ka na nga may reward ka pang coke float sa bag. At ang nasabi ko na lang nang mangyari iyon ay “FUCK”. Bwisit talaga. Wala naman akong balat sap wet (pinsan ko lang meron). PUSANG GALA. SUS MARYOSEP! Gusto ko na sabihin lahat nag expression na nasa bokabularyo ko.
Ako na ang pinakamalas sa buong mundo sa panahong yun! Buti nga hindi ako inabutan ng baha kundi magsuicide na talaga ko sa kamalasang yan, tae.
Life is unfair.
Basang basa ang loob ng bag ko noon dahil sa ulan at sa coke float. Gandang combo.
At bigla kong naalala ang premonition ni manong driver. Sinabi niya saking, “ingat ka”. Dapat nga talaga akong mag-ingat. Ang daming kalintikan ang nangyari sakin eh. At sa tingin ko ang kalintikang ito ay ang kapalit ng 1.25 ko. Bawat bagay talaga ay may kapalit. Pusang gala. Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa o ano?
Ang swerte ko talaga. Ang malas ko talaga.
No comments:
Post a Comment