
Paalala: Kung ayaw mo basahin edi wag! Pinipilit kita? Hindi naman to something bitter eh.., promise
Ito ang pinasa kong take home quiz sa Humanities namin. Gumawa daw kasi ng love letter kaya yan ang ginawa ko tapos nilagay ko sa bottle para ipupukpok ko sa pagbibigayan ko. Haha (joke). Tapos sakto nung araw na pinasa ko to sa prof namin,. nagtext yung dapat sana ay pagbibigyan ko ng sulat na to. Nagpustahan pa nga kami ni ruby ditto eh. Pag nakauno ako , ibibili niya ko ng keuchain na deathnote. Haha. Pero hindi yung deathnote ang inspirasyon ko dito, siya talaga.
Para sayo,
Naiinis ako sayo dahil sa ginawa mo sakin. Unfair kasi, ako minahal talaga kita nang sobra tapos ikaw maghahanap ka lang ng iba. Hindi mo kasi alam kung gaano kasakit yung lokohin eh.
Kaya pinili kong maging matalino at mabuhay ng wala ka kaysa maging bobo at magbulag bulagan sa mga ginawa mo.
Dahil sayo naging bato na ko. Hindi na ko magmamahal dahil wala rin namang mangyayari, magkakahiwalay din naman at magkakalolokohan lang din. Bat ka pa magkakagusto sa iba kung hindi naman magiging kayo sa huli?
Hindi sapat ang sulat na to para ipaalam sayo ang sakit ng umasa na akala ko nandyan ka lagi, sakit ng umasa na totoo ka sakin, at sakit ng umasa na akala ko ako lang.
Nang magkahiwalay tayo, wala na kong inspirasyong gumising ng maaga dahil alam kong isa na naman tong araw na wala ka. Hindi katulad dati na pag gising ko pa lang ay iniisip ko na agad na itext ka. Simula ng maghiwalay tayo, ayoko ng manood ng mga koreanovela dahil para lang siyang fairy tale na nagpapaasa ng mga tao na makakasama nila yung mahal nila sa huli. Tuwing may nakikita kong mga masasayang couple, ikaw agad ang naalala ko kaya naiinis ako at umiiwas na lang ako ng tingin. At sa tuwing naalala kita, pilit kong binubura ka sa isip ko pero wala ding nangyayari.
Ayoko naman talagang maging bitter pero yun lang ang naiisip kong paraan para makalimutan ka. Sa totoo nga nyan, pinagdadasal ko pa na mawala ang galit ko sayo. Masyado kasi kitang minahal kaya siguro ganon din kahirap kalimutan. Akala ko mabilis lang kitang malilimutan dahil sa galit ko sayo, hindi pala. Mawawala din pala ang galit na yun at ang iisipin ko lang ay kung gaano kita kamahal.
Kahit na naiinis ako sayo, may bahagi pa rin ng AKO na gusto maging TAYO
Gusto kong umasa na balang araw, ikaw din yung makakasama ko sa simbahan at ang unang makikita ko paggising ko sa sarili nating bahay. Ikaw pa rin yung iniisip ko bago matulog. Ikaw pa rin yung iniisip kong kasama ko hanggang tumanda ako. Pag iniisip kaya kita. Naiisip mo din kaya ako?
Ayokong dumating yung araw na makikita kitang may kasamang iba. Ayoko ng maghanap ng iba. Ayoko ng magmahal kung hindi lang din ikaw. Ayokong magmove on kasi baka malimutan kita, ayokong mangyari yun. Ayoko ring magmove on dahil ayokong malimutan ang mga masasayang araw natin na magkasama. Siguro nasasabi ko lang to dahil hindi pa kita nalilimutan pero sa ngayon, yun ang gusto kong gawin.
Nagpapanggap akong naiinis ako sayo at sa ginawa mo pero ang totoo ay napatawad na kita at ginagawa ko lang yun para sa sarili ko dahil kung patuloy pa kitang mamahalin kahit hindi na tayo, masasakatan lang ako.
At dahil sa sulat na to, hindi ko na alam kung gugustuhin ko pa bang ipagpatuloy ang paglimot ko sayo o susuko na ko sa pagpapanggap na matapang at luluhod sa harap mo para balikan mo ko.
Hirap na hirap na kong kontrolin ang nararamdaman ko. Gusto ko ng bumalik sayo at bumalik sa pagiging masaya. Gusto kong ipagpatuloy ang mga ginagawa nating mga sweet noon. Gusto kong makasama ka ulit. Gusto kong mag-away-bati tayo ulit. Gusto kong bumalik sa nakaraan.
Handa na kong magpatawad. Hindi ko na iisipin ang sinasabi ng iba. Ayoko ng isipin pa ang mga sagabal, ang oras, ang lugar, ang sitwasyon ko, at ang sitwasyon mo. Ayoko ng magpanggap na hindi na kita gusto, na galit ako sayo. Sumusuko na ko. Kahit kailan naman hindi ako nanalo sayo eh.
Alam ko na kung bakit kahit anong pilit kong gustuhin ang iba ay hindi ko pa rin magawa yun ay dahil ikaw pa rin ang gusto ko.
Ang bobo ko. Hindi ko nalaman yun at nagtanga tangahan ako dahil sa kagustuhang makalimutan ka. Naiinis ako ang tanga tanga ko talaga. Putanginang yan. Ang bagal ng response ng utak ko sa gustong ipadama ng puso ko. Bwisit. Mga aabutin ng 5 months bago ko marealize na hindi ko kayang wala ka. Nagmagaling magaling pa ko na kaya ko yun pala bibigay din ako. Bat ba kasi ang retarded ng utak ko. Feeling ko napakababa ng E.Q. ko. Sa loob ng 5 months ngayon ko lang naisip to. Ang iniisip ko lang naman kasi nun ay kung paano ako magiging malakas at kalimutan ka.
Sa loob ng 5 months na yun ay hindi ko pinakita ang weakness ko o hindi man lang ako umiyak sa mga pinagsabihan ko ng problema ko dahil akala ko wala ring magagawa ang pagiyak. Sabi nga, don’t cry over a spilled milk. Pero mali sila, may nagagawa ang pagiyak, narerealize mo kung gaano ka kahina at kung paano mo tatanggapin ang kahinaan na yun.
Gusto ko nang sundin ang puso ko at bumalik sayo pero wala akong tapang dahil baka sa oras na magmakaawa ako sayo, mareject mo lang ako o kaya naman ay may iba ka ng gusto o baka saktan mo lang ulit ako.
Duwag talaga ako. Wala akong kwenta. Hindi ko man lang masabi sayo na hanggang ngayon ikaw pa rin ang gusto ko. Naiinis ako sa sarili ko. Ang tanga tanga ko. Hindi ko kayang ibigay sayo ang sulat na to.
Kaya ang sulat na ito, sa dagat na muna mapupunta hangga’t wala pa kong lakas para sabihin sayo na tinamaan ako sayo at mahal kita kahit ano pang mangyari. Oras *na magkatapang na ko, sasabihin ko sayo kung gaano ka importante sakin at kahit ilang buwan o taon, pumuti man ang buhok ko, ikaw pa rin.
At kung sakaling magkaron ako ng tapang umamin sayo o kaya naman ay anurin ang sulat na to sayo:
Oxi, please naman, sana naman tanggapin mo ko. Hindi dugo ang ginamit ko para isulat to kundi biru-birong luhang ang binuhos ko dito. Pag nadehydrate ako at naubusan ng tubig sa katawan, ikaw may kasalanan. Nasisiraan na ko dito. Love you, kumagang tagal ko nang hindi nasasabi to :)
Janelle a. macasieb
ganda ng blog na ito.. bigay mo na lang sakanya,, cguro wala namang mawawala (wala nga ba? )
ReplyDelete