
Oggy
September 8
Bumibili kami ng friend ko sa Goldilocks ng ibibigay na token of appreciation sa ininterview namin at kasalukuyan akong natatakam sa mga cake at mga mamon. Wow! Parang lahat masarap… Haayyy
At napalingon ako sa isang banda, yung tipong hinahangin hangin pa ang buhok ko at feeling ko ang ganda ganda ko. May nakita kong ngumingiti sakin so ako naman sabi ko sa sarili ko, “Sino siya? Ganda ganda ko talaga. Haha!” Ay, parang namumukhaan ko siya kaso hindi ko matandaan kung san ko siya nakita. Ay, naalala ko na, schoolmate ko pala siya at anak siya ng nurse ng school namin. Ay, hala. Di ko nakilala! Wala akong ibang sinabi kundi..”Ui, ikaw! Ui, ikaw!” dahil hindi ko alam ang pangalan niya. Parang Oggy (hindi yung sa Oggy and the cockroaches) ata ang pangalan niya or something na katunog nun. Kinakawayan niya ko, sabi niya, “Ui, ditto ka rin pala”. Ako naman nagsmile lang. Naks. Haha.
Actually, hindi ko talaga siya kaclose ni buong buhay ko sa school naming nun di ko siya nakausap. In short, nito lang kami nagkausap talaga.
Gumwapo siya ah. Nawala na yung mga tagyawat niya tapos basta. Gwapo siya. Ay, may ichura lang pala. May kasama siyang girl no pero tingin ko hindi naman niya gf. Haha. Alam na, joke.
May Mali sa Mamon
September 9
Balik kaming goldilocks para bumili ng mga tinapay (syempre). Tapos ayun, binili ko yung Disney Milk and Chocolate. Haha. Pambata. Tapos yung friend kong mataba, si Ricka, Mamon.
Tapos nung kakainin na niya, may nakita siyang ISANG MALI sa kanyang mamon. May itim kasi na parang amag pero hindi dahil magreen2 at mablue2 ang amag diba? Kung ano man yun basta hindi siya kasama sa ingredients. So ayun, punta kami kay guard at nireklamo hindi naman kami nag-amok basta sinabi lang naming na MAY MALI SA MAMON. At ayun, mabait naman si guard at pinalitan ang mamon. Bow.
No comments:
Post a Comment