

Sa sobrang katangahan at paggawa ko ng video na ipopost ko sa blog ko na hindi ko naman pala maipopost dahil kailangan pa ng lecheng converter, nalimutan kong magpadala ng agahan kaya no choice ako kundi magbreakfast sa McDo.
So ayan, umorder ako ng hotcake at coffee. Hala, ang guwapo ng nagserve sakin c: HAHAHAHHA! Kamukha ni Ivan ng PBB, syet, tapos mukhang manager pa siya dun kasi iba yung damit niya sa iba. Haaaay, Lord, ang ganda ng umaga ko. Salamat sa blessing, Lord hahaha.
Jusqo, hindi ko akalain ang dami palang ekek nitong hotcake at coffe naa to bago makain. Kailangan mo pang lagyan ng sugar yung hotcake, timplahan ng coffeemate at sugar yung coffee, lagyan ng butter yung hotcake, dasalan yung hotcake at coffee, pumatay ng manok at ialay sa hotcake at coffee. Syet, kailangan ko pa bang magbuhos ng dugo dito bago ako makakain?
Napaso pa ko paginom ko ng coffee, syet, ang pait!!!!! Napaso ka na nga napaitan ka pa. Binuhos siguro nila dito yung kape…susme! Naka 5 na coffeemate ako at 5 na asukal para lang tumamis. Hindi kasi ako nagkakape ng mapait, gusto ko ginagawa kong gatas yung kape (nagkape pa???). At pinahiran ko na lang basta ng butter yung hotcake, basta malagyan na lang kahit di even yung paglalagay. Pucha, pinagpapawisan ako sa mga ginagawa ko. Sana sinabi na lang ng McDo na ako na lang magluto ng order ko no???
Actually, 2 coffeemate at 2 sugar (suga!!) lang ang binigay nila, pero humingi ako ulit ng isa pang suga kay Ivan..hahaha…Eh, kulang pa din, umaandar ang pagka-Hitler ko, nagpakuha k okay Ruby ng 2 coffeemate at 2 sugar, nakakahiya naman kasi kung ako na naman kukuha, sabihin eh, hiningi ko na lahat. So ayun, ang dugyot na ng table ko kakatimpla at halo. Pucha. Parang ako na nagluto ng hotcake at nagtimpla ng kape ah.
Ngayong araw na to, natikman ko ang pinakamasarap na shake sa buong mundo. Yung ibang shake kasi walang lasa o kaya naman ay halatang powder na lang yung nilalagay. Nabili ko yun sa Sundays, ang sarap! Cookies and cream binili ko for 35 pesos. Oo. Mas mahal siya kaysa sa ordinaryong mga shake na 10-20 pesos pero yung lasa ng mga murang shake nay un pwet lang nito. Ay, grabe, nung unang matikman ko, parang naimagine ko ang heaven!!! Juskoday! Ang sarap talaga, hindi siya lasang artificial lang yung flavor. Bili na kayo, promise di kayo magsisisi. Ito lang ata yung pageexperiment ko ng food/beverage na hindi ako nagsisi.
No comments:
Post a Comment