Powered By Blogger

Friday, September 24, 2010

Bugoy at Andrew Garcia Magkaboses daw





Badtrip naman...idol ko si Andrew Garcia eh pero sabi ng karoom ko habang nagpapatugtug ako, "Sino yan si Bugoy?" Seryoso pa siya...AWWWWWW binastos ako...ba yan...sabihin mo nga magkaboses ba sila? tapos marinog rinig ko kumakanta na din siya ng forever..tae

Anne Frank & Nadine Flores




Spot the difference…Parang nagincarnate lang si Anne Frank kay Nadz o kaya naman ninuno ni Nadz si Anne Frank…Ang unang nakapansin ng kagaguhang pagkakamukha nito ay si Erne..lol…hahahahahahah..kamukha naman talaga eh…kaya, Nadz, wag ka ng pumalag…dahil kay Nadz, naging interesado akong basahin ang diary ni Anne Frank para maghanap pa ng similiraties nila at ipamukha kay Nadz..

Reunion

Ang saya…nakita ko sila Norman, Trisha, and Nicolau….punta kasi sila UST hospital para dalawin si Justin…

Haba na ng buhok ni Norman…ang keewwwwl…like! Parang L lang ah… Haha…pupu..natanong ko pa siya ng bagay na hindi ko na dapat tanungin…waahhh…sorry!!!!!

Si nicolau (alias Warren) naman..hindi na kulay mais ang buhok niya..haha…hindi na siya mukhang kernel pult…hahaha….pero Warren pa din siya…hahaha

Si Trisha naman….ayun, no comment baka mapikon ko pag binalahura..hahaha…pareho kaming di pa tumatangkad (kelan kaya yun??)hahaha

Noong isang araw naman…matiwasay akong nagaabang ng jeep papunta kila nadz…magpapanail art ako sa halagang 20 pesos..hahaha…at bigla na lang nagtext si ulo na wag ako pumara ng jeep…hindi ko siya sinunod…ano siya chix? Hahaha….Papara na ko ng jeep nang may kutong lupa na tumawag sakin, pagkatingin ko sila ulo at qem pala…akala ko sasagasaan na nila ko…bwisit..ano pa bang magagawa ko?? Eh nakidnap na ko…wala na kong palag…syempre hindi mawawala ang pagbatok ko kay ulo…matagal tagal na rin nang hindi ako nakakutos kay ulo..

Ang saya…nakakamiss ang highschool friends….ahhhhh…… :’C

Anyway, pagdasal natin si Justin Andrade para makarecover agad…

Thursday, September 23, 2010

Gusto

Bakit ko kailangan kontrolin ang sarili ko?

Bakit kailangan kong sumunod sa mga batas?

Bakit kailangang gawin ang hindi ko namang gustong gawin?

Paksyet. Gusto kong maging malaya.

Ayokong ikulong ang sarili ko..para ko lang ginago ang sarili ko nun.

Bakit ba kasi kailangan kong maging ibang tao?

Pucha. Eh sa ito ako. Tarantado na ko kung tarantado. Kamuhian niyo man ako, mabubuhay pa din ako.

Sabi ng iba, mas nagugustuhan daw nila ang isang babaeng hindi nagmumura...tahimik..mahinhin...Maria Clara.

Bakit kailangan kong lokohin ang sarili ko? Bakit kailangan kong sundin sila? kailangan ko bang magbago para magustuhan ako? Aba. putangina. hindi ko hiniling kay God na maging mahinhin at maging perpektong tao, ang gusto ko lang maging masaya ako sa ginagwa ko pero yun ang hindi nangyayari ngayon.

Nagpapakulong ako sa sarili ko. Bakit? hindi ko rin alam. Dahil ang yun ang sabi nila?

Syet. gusto ko ng makakaintindi sakin. Ang gusto ko lang naman ay gawin ang gusto ko.

Bakit kailangan kong magpanggap - magpanggap na isa kong robot na walang nararamdaman. Sana ako na lang si Tinman.

Ako na mismo ang gumagawa ng sarili kong hukay - hukay na akala ko ay papuntang Wonderland, sa impyerno pala.

Forget

by ~thenshesaid
from: http://browse.deviantart.com/?qh=§ion=&q=forget#/dhqub6

forget my name.
you don't need to recall it.
erase it from your vocabulary.
it's just a meaningless arrangement of letters.

forget my face.
there's no need for recognition.
blur my features from your sight.
i'll just be faceless in the billions.

forget my voice.
no need to hear the silence.
the words are empty now.
there is no need for anything to be said.

forget my memory.
there's no need for a reminder of the times we had.
they are just insignificant moments in time.
no reason to remember.

forget my feelings.
they are meaningless now.
void emotions with nothing attatched.
there is no need to be considerate.
they are nonexistant.

Forget

by ~thenshesaid
from: http://browse.deviantart.com/?qh=§ion=&q=forget#/dhqub6

forget my name.
you don't need to recall it.
erase it from your vocabulary.
it's just a meaningless arrangement of letters.

forget my face.
there's no need for recognition.
blur my features from your sight.
i'll just be faceless in the billions.

forget my voice.
no need to hear the silence.
the words are empty now.
there is no need for anything to be said.

forget my memory.
there's no need for a reminder of the times we had.
they are just insignificant moments in time.
no reason to remember.

forget my feelings.
they are meaningless now.
void emotions with nothing attatched.
there is no need to be considerate.
they are nonexistant.

Nagpakulot ang Bakla



Nagadventures kami ni Ruby sa SM (na naman)…iniwan naming an gaming baggage sa baggage counter sa SM supermarket…hahaha…para hindi kami magbibitbit ng gamit habang nagliliwaliw…Sana hindi pa kami namumukhaan ni Manong at hindi siya nagtataka na parang hindi naman kami bumili tapos nagpaiwan kami ng bag. Hahha…

Grabe…sakit ng paa ko kakaikot sa SM…juzqo!! Bumili kami nung parang dunkin na parang yam yam sa mr. doughnut haha….Sarap pala nun…ang saya! Parang heaven..hahaha…

Hindi pa kami nakuntento…Umikot kami sa National Bookstore, Papemelrotti,Genevieve, Bench, and Artwork..mga 30 minutes each store… hahaha…anong ginagawa namin? Nangbabalahura..hahaha

Napadaan din kami sa SM department store…nambalahura…at may nakita kaming mga nagdedemo ng plantsa sa buhok…haha..pinatry ko si ruby…hahah,…huwalaaa…nagpakulot ang bakla…pero infairness ang cute ng pagkakakulot…parang spring…matry nga yun minsan!

Emoterang Bato



Hinihintay ko si Ruby sa labas ng McDo…habang may iniisip…nageemote ba?

Iniisip ko kung pano magiging isang robot…yung walang nararamdaman?

Nagiisip ng mga problema ko sa buhay…anak ng pating..ayoko magshare…basta nageemote ako ng mga panahon na yun…

Napalingon ako…ay syet sinong sira ulo ang lumapastangan sa batong to? Bat siya nagkaron ng mukha? At bat parang sad din siya…hala…nakikiemote ang bato???taraaay....

Tuesday, September 21, 2010

Pinoy Henyo

Naglalaro kami ng pinoy henyo ng mga kaklase ko. Ako ang manghuhula ng word. Una kong tinanong ang pamatay na tanong, TANGIBLE OR INTANGIBLE? Haha..naalala ko ang skarfz. Pagpipinoy henyo kasi ang lagi naming past time nun. At ang mga word na madalas pinapahulaan ay yung mga word na henyo lang talaga ang makakasagot. Yung mga word ay: Gautama Buddha, ribosomes(nasagot ng dakilang si Madz), logarithm, at kung ano ano pang mga kalokohang words. 

Nakakamiss syet. Gusto kong umiyak habang nagpipinoy henyo with muslim Rashid, hayop na Tagurong si Richard, pao, Kevin CARRION (hindi ibang kevin), idol Joshua (na nagpapakana ng toot ni Satanas, syet, di ko macarry yun), at si seatmate Vincent.

So ayun…pinoy henyo kami…sani nila lahat daw meron nito at basta…yun nay un…

Ang ending ang sagot: LIBAG.

Pucha. Mas lalo pa kong nalungkot dahil naging word na rin namin to ng skarfz noon. Haist. Namiss ko ang mga kalokohan sa pinoy henyo at nagtatanong pa kung nagstastart sa A, B, C…..Z (wala namang sinabi sa rules na bawal ahh)

Sunday, September 19, 2010



Araw araw...nagugulat ako sa mga ginagawa ko..ewan ko ba...alam kong mali pero go pa rin ako...alam kong hindi pede pero nagpapatay malisya pa din ako...

Ayoko talagang gawin to kaso anong magagawa ko? Pag may gusto ako, naooobsess ako. Wala akong magawa kundi gawin or maging STALKER...

Nagsimula sa wala lang...at nagsisimula ng magkapuso..hahaha

Ayoko talaga. pero wala akong magawa.

Unti unti na kong naadik sa kanya.

Ito na nga ang kinakatakot ko sa masyadong pakikipagclose eh...ako kasi yung tatanga tangang tao...grabe ang katangahan ko..

Ayoko ng maulit ang dati. Nagpakatanga ako ng sobra...SOBRA

Paparapapapa....parang may kantang tumutunog sa ulo ko ng paulit ulit...napakakulit ng kantang yun...

Feeling ko nasa secret garden (place na naiimagine ko pag masaya ko) pag kausap ko siya..

Ayokong ipakita na may gusto ako...kaso naisip ko, hindi naman niya malaman na siya to...eh syet...ok? WAG MONG ISIPING IKAW TO DAHIL DI IKAW TO...DI LANG IKAW ANG LALAKE KO SA MUNDONG TO!

Gusto ko siyang kausapin..hanggang mapanis laway ko..tae..

Syet.. nababakla na ko sa kanya..sa sobrang pagkaadik ko, di ko na mapigilang mag

Para kang chocolate na hindi ko mapigilang ubusin at pag naubos na, sasakit naman lalamunan ko.

Tae kasi. Bat ba lahat na lang ng gusto ko may gustong iba? Bat ganon? UNFAIR!!!!

Friday, September 17, 2010

Dakota


this song will make you feel inlove...(swear!it's so cute...)
DAKOTA - A ROCKET TO THE MOON

Encyclopedia

Naglakad ako ng may nakita akong babae na parang baliw…Accountancy student din…Nakatakip sa mukha niya yung libro niyang makapal (mga 2 inches) habang naglalakad siya. Dahil siguro mainit at pinangcocover niya yyun. At bigla na lang…parang papunta siya sa direction ko…tae..ambilis ng pangyayari…ang huli ko na lang naalala ay binababa niya yung makapal niyang book parang encyclopedia…at saktong tumama sa mukha ko. AS IN SOLID TALAGA!!! Naramdaman ko…napango na ko!!syet..Nagsorry naman siya pero ang nasagot ko na lang ay…”Rrrrrrrr…” Bad trip. Gawin bang landingan ang mukha ko???

Wednesday, September 15, 2010

CR

Matiwasay akong magsi-CR…hindi ako nasamahan ni Ruby dahil ewan ko…nawala siya na parang bula pagkatapos na pagkatapos ng first subject…kumain siguro…tinuturing kasi nilang Recess ang Math time…No choice ako kung hindi magCR mag-isa kundi hindi ko masasagot ang tawag ng kalikasan at bigla na lang sasabog ang pantog ko.

Sanay naman akong magCR magisa pero mukha hindi na pagkatapos ng insidenteng ito…

Edi pasok ako sa cubicle..at huwaallaaaa! Nasagot ko na ang tawag ng kalikasan. Nang papaalis na ko, isang malaking SYET. HINDI KO MABUKSAN ANG PINTO! PUTANGINA! NALOCK AKO! So ako naman panic..pinipilit kong alisin yung lock kaso nastock talaga….kinakalawang na kasi yung lock..syet, sana hindi ko na lang nilock hayaan na lang…tae

Mga isang minute akong nagpapanic at nagsyesyet at pilit na binubuksan ang lock…At poof! Nakaisip ako ng paraan!
Plan A: Itext si Ruby..humingi ng saklolo…
Putangina. Hindi siya nagreply…Mukhang ditto na magtatapos ang buhay ko…sa isang mapanghing lugar…

Plan B: Katukin ang nasa kabilang cubicle at humingi ng saklolo…Istorbohin ang tumatae
Syet. Hindi niya ko naririnig. Punyeta!

Plan C: Lumusot sa ilalim ng cubicle…puta
Hindi ko ito ginawa kahit pa kasya naman ako dahil mukha kong gago…baka pagkamalan akong sadako sa CR. At isa pa madumi ang sahig..iewwww

AT YEHEY!!! Nag Taguro ako at binuhos ang shakra sa thumb ko para itulak ang lock!!! WHOOOOO!!! BUHAY PA AKO!!

Wag kayong Bibili ng Sony Ericsson!



Hanaep…Ubod ng bagal at bobo ng cp ng Sony. Bwisit talaga…Pag tinadtad ako ng kaaway ko sasabog cp ko..Hindi niya kayang maghandle ng sunod na sunod na SMS. Hayop. Nakakairita..sarap ibato..Ang ginagawa ko pag nagbabagal, pinipindot ko ng paulit ulit (wala akong pasyensya) kaya ang resulta, pag gumana na chaka lang naeexecute yung mga pinagpipindot ko. Nakakairita. Bobo tong cp na to. Nagbura na nga ko ng mga files na hindi naman kailangan pero wala pa din. Popo. Aabutin ng decades bago maexecute yung pagpindot mo at pag may nagtetext pa nahihinto yung pagplay ng kanta, ano to stop dance???? Kaya ang resulta lagi akong nagrereformat para tumino…bwisit…Pero hindi totoong hindi siya user friendly, kailangan lang talagang masanay gumamit ng Sony…

Bat ako naiinis sa kantang to?

Di ko alam kung bat naiinis ako pag naririnig ko yung Take Me Away ng Plain White T’s…Naiirita ko lalo na pag natatapat siya sa kantang nagplaplay sa playlist ko, tulad ngayon, kaya ang ginagawa ko pag natatapat dun nililipat ko…bwisit.. Nakaksira ng araw..

Ang naisip kong dahilan kung bakit ganito ay dahil siguro ginawa ko siyang sound sa alarm sa cp ko kasi maingay…ayoko kasing gumising pag natutulog ako, naiirita pa ko pag nagigising ako ng maaga kaya siguro naprogram sakin na pag naririnig ko yung kantang to, gigising na ko at naiinis ako dahil gigising na ko. Para synonymous sa pagkatuto ng aso…yung pag narinig niya yung bell automatic na iisipin niya na pagkain yun kaya maglalaway siya…o diba?

Achaka nung hindi ko pa namang ginagawang alarm sound to, hindi pa ko naiinis eh..

So ayun, naiinis talaga ko sa kantang yun…bwisit..

  Download this mp3 from Beemp3.com

Pulubi

Kinkwento ni Nadz sakin ang paghabol ng mga batang pulubi sa pwet niya nang may naalala akong kwentong pulubi pero hindi hinabol ang pwet ko ah!!! Hahaha….Nga pala, napatakbo si Nadz ulol ng halos dalawang kalsada sa kahahabol ng mga pulubi sap wet niya. Pangalawang beses na niyang nababastos bukod pa sa pambabastos naming sa kanya. Sabi ko, “ano ka sex slave?”Sabi Nadz, okay na sanang mahabol ang pwet basta kikita eh…Pucha. Mukha talagang pera ang babaeng ito. Pati ako nahahawa na sa pagiging mukhang pera niya..hahaha

Anyway, yung naalala kong kwentong pulubi na nangyari sakin na tayo. Nangyari to last year, pumunta kami ng mga friends ko sa SM, hindi ko na maalala kung sino yung mga kasama ko nun pero ang sure ko lang ay si Dar (hindi ko alam kung bakit siya lang natatandaan kong kasama ko nun…mali ang iniisip niyo…hindi ako tibo at hindi ko gusto si Dar no….isang malaking “ASA SIYA”). Edi nakauwi na kami galing ng SM, tambay muna kami sana sa McDo, meryenda lang bago umuwi. At anak ng siomai…may hinayupak na pulubi pang nangtrip sakin. Kairita talaga! Hinaharangan niya yung daan ko, ayaw niya kong padaanin. Putangina talaga. Napipikon na ko, ang tagal kong nakikipagpatintero sa kanya. Tarantado siya. Napipikon talaga ko. Putangina, di tayo close para makipagpatintero sayo. Hindi rin ako magaling sa mga patintero, inutil ako pag dating dyan. Gago talaga yung batang yun, tarantado. Sino ba namang kahating gago at 100% na may Down Syndrome ang makikipagpatintero sa hindi mo kilala. Yung mga kasama ko naman pinagtatawanan pa ko kasi hindi ako makasunod sa kanila. Ay, bwisit! Hindi ko na matandaan yung mukha niya. Eh matino pa ko ng mga panahong yun at hindi ko pa kayang tarantaduhin yung hinayupak na paksyet na nilalang nay un. Kairita, FC siya.

Buti na lang, bago pa ko maiyak sa kainisan, may nagsave sakin na kaklase kong boy at tinulungan akong palayasin yung hayop na yun. Kaso ang masaklap dun, hindi ko na matandaan ngayon kung sino siya. Siguro hindi siya katanda tanda kaya binura ko na siya sa ala-ala ko. Haha.

Friday, September 10, 2010

Trip trip lang



Sa sobrang katangahan at paggawa ko ng video na ipopost ko sa blog ko na hindi ko naman pala maipopost dahil kailangan pa ng lecheng converter, nalimutan kong magpadala ng agahan kaya no choice ako kundi magbreakfast sa McDo.

So ayan, umorder ako ng hotcake at coffee. Hala, ang guwapo ng nagserve sakin c: HAHAHAHHA! Kamukha ni Ivan ng PBB, syet, tapos mukhang manager pa siya dun kasi iba yung damit niya sa iba. Haaaay, Lord, ang ganda ng umaga ko. Salamat sa blessing, Lord hahaha.

Jusqo, hindi ko akalain ang dami palang ekek nitong hotcake at coffe naa to bago makain. Kailangan mo pang lagyan ng sugar yung hotcake, timplahan ng coffeemate at sugar yung coffee, lagyan ng butter yung hotcake, dasalan yung hotcake at coffee, pumatay ng manok at ialay sa hotcake at coffee. Syet, kailangan ko pa bang magbuhos ng dugo dito bago ako makakain?

Napaso pa ko paginom ko ng coffee, syet, ang pait!!!!! Napaso ka na nga napaitan ka pa. Binuhos siguro nila dito yung kape…susme! Naka 5 na coffeemate ako at 5 na asukal para lang tumamis. Hindi kasi ako nagkakape ng mapait, gusto ko ginagawa kong gatas yung kape (nagkape pa???). At pinahiran ko na lang basta ng butter yung hotcake, basta malagyan na lang kahit di even yung paglalagay. Pucha, pinagpapawisan ako sa mga ginagawa ko. Sana sinabi na lang ng McDo na ako na lang magluto ng order ko no???

Actually, 2 coffeemate at 2 sugar (suga!!) lang ang binigay nila, pero humingi ako ulit ng isa pang suga kay Ivan..hahaha…Eh, kulang pa din, umaandar ang pagka-Hitler ko, nagpakuha k okay Ruby ng 2 coffeemate at 2 sugar, nakakahiya naman kasi kung ako na naman kukuha, sabihin eh, hiningi ko na lahat. So ayun, ang dugyot na ng table ko kakatimpla at halo. Pucha. Parang ako na nagluto ng hotcake at nagtimpla ng kape ah.

Ngayong araw na to, natikman ko ang pinakamasarap na shake sa buong mundo. Yung ibang shake kasi walang lasa o kaya naman ay halatang powder na lang yung nilalagay. Nabili ko yun sa Sundays, ang sarap! Cookies and cream binili ko for 35 pesos. Oo. Mas mahal siya kaysa sa ordinaryong mga shake na 10-20 pesos pero yung lasa ng mga murang shake nay un pwet lang nito. Ay, grabe, nung unang matikman ko, parang naimagine ko ang heaven!!! Juskoday! Ang sarap talaga, hindi siya lasang artificial lang yung flavor. Bili na kayo, promise di kayo magsisisi. Ito lang ata yung pageexperiment ko ng food/beverage na hindi ako nagsisi.

Thursday, September 9, 2010

Goldilocks Experience


Oggy
September 8
Bumibili kami ng friend ko sa Goldilocks ng ibibigay na token of appreciation sa ininterview namin at kasalukuyan akong natatakam sa mga cake at mga mamon. Wow! Parang lahat masarap… Haayyy

At napalingon ako sa isang banda, yung tipong hinahangin hangin pa ang buhok ko at feeling ko ang ganda ganda ko. May nakita kong ngumingiti sakin so ako naman sabi ko sa sarili ko, “Sino siya? Ganda ganda ko talaga. Haha!” Ay, parang namumukhaan ko siya kaso hindi ko matandaan kung san ko siya nakita. Ay, naalala ko na, schoolmate ko pala siya at anak siya ng nurse ng school namin. Ay, hala. Di ko nakilala! Wala akong ibang sinabi kundi..”Ui, ikaw! Ui, ikaw!” dahil hindi ko alam ang pangalan niya. Parang Oggy (hindi yung sa Oggy and the cockroaches) ata ang pangalan niya or something na katunog nun. Kinakawayan niya ko, sabi niya, “Ui, ditto ka rin pala”. Ako naman nagsmile lang. Naks. Haha.

Actually, hindi ko talaga siya kaclose ni buong buhay ko sa school naming nun di ko siya nakausap. In short, nito lang kami nagkausap talaga.

Gumwapo siya ah. Nawala na yung mga tagyawat niya tapos basta. Gwapo siya. Ay, may ichura lang pala. May kasama siyang girl no pero tingin ko hindi naman niya gf. Haha. Alam na, joke.

May Mali sa Mamon
September 9
Balik kaming goldilocks para bumili ng mga tinapay (syempre). Tapos ayun, binili ko yung Disney Milk and Chocolate. Haha. Pambata. Tapos yung friend kong mataba, si Ricka, Mamon.

Tapos nung kakainin na niya, may nakita siyang ISANG MALI sa kanyang mamon. May itim kasi na parang amag pero hindi dahil magreen2 at mablue2 ang amag diba? Kung ano man yun basta hindi siya kasama sa ingredients. So ayun, punta kami kay guard at nireklamo hindi naman kami nag-amok basta sinabi lang naming na MAY MALI SA MAMON. At ayun, mabait naman si guard at pinalitan ang mamon. Bow.

Wednesday, September 8, 2010

Baklang Alien..bow

Simple

So cute...kanta ni katy perry.. ang cute ng meaning..ang cute din ng style kaso si katy perry hindi cute jan. hahah :))

Tuesday, September 7, 2010

Mga Patatas


Ito yung mga kutong lupa sa Despicable Me. Hindi ko alam ang tawag sa kanila kaya from now on, ang itatawag ko sa kanila ay mga MALILIIT NA PATATAS. :))

Ang Dahilan Kung Bakit Nabuhay ang Aking Blog Muli

Ayoko na magblog talaga dahil sa issue pero heto na naman ako, manguulol na naman at this time, dalawa na kami! Magbloblog na din si Nadz, si ulol. Hahaha. Dalawa na kami! WOOO!!

Sabi niya hindi daw dapat akong magpaapekto dahil blog ko to at wala raw pakilamanan kaya ayun, nabuhayan ako...washeeeeng!

Tutulungan ko siyang magblog sa text at ang kapalit ay ieendorse niya ang blog ko. BWAHAHAHAHA! Magiging sister blog na daw ang blog namin. Pucha. Akala ko sister company lang ang meron, may kinakana pa tong si ulol na sister blog. Tae.

Sabugan na to!!!

Power Ring

ito ay isang kwento ng isang agimat, agimat ng aking friend na si Ruby. Tuklasin ang misteryo.hahah
http://rubiecalletor.wordpress.com/2010/09/04/ang-power-ring/

Paano kaya kung hindi ako magkaanak?

here's the link(blog post ng friend ko tungkol sakin haha):
http://rubiecalletor.wordpress.com/2010/09/04/paano-raw-kung-hindi-siya-magkaanak/

Ako ay ako

ako ay ako. wala na kong pakelam anumang sabihin niyo sakin o sa blog ko. Bakit? Blog ko to, at ito ako.Belat na lang sa inyo...hahaha

Do not read this

Babala: Huwag basahin kung ayaw mong magduda sa Diyos na pinaniniwalaan mo. Ang lahat ng nakapaloob sa blog post na ito ay hindi dapat ituring na fact o katotothanan.

Nagkausap kami ni Nadz, sira ulo kong friend na dating atheist at ngayon ay agnostist na. Agnosticism – doctrine holding nothing is known of existence of God that man cannot know existence of anything beyond his own experience. Ang ibig sabihin ay naniniwalang SA NGAYON ay wala pang taong nakakaalam sa pagkakaroon ng God mapaanumang relihiyon o anumang field of science. For the first time, ngayon lang kami nagkausap ni Nadz ng matino at may sense. Haha! Hindi kami satanista o hindi rin kami atheist na hindi naniniwala na may God. Hindi rin naming kinocondemn si Bathala, ang tanging ginagawa lang naming ay exchange of opinions due to curiosity. Walang masama sa pagiging curious sa existence ni God, actually, theology ang tawag sa field na ito kung saan pinag-aaralan si God at ang existence niya.

Ito an gaming nabuo sa makasaysayang pag-uusap na iyon:

Nadz: Kasi kung iisipin mo ano ba ang religion? Para sakin, ang religion ay excuse para maiexplain ang mga bagay na di pa natin alam. Example:
Bakit kumikidlat?
Ancient Filipinos: kasi nagagalit si Bathala
Which is the same with…
Saan tayo nanggaling?
Christians: gawa tayo ni God
Ako: Masasabi kong epal ang sasagot ng dahil sa nagmeet ang sperm cell at egg cell kaya tayo nabuo. Bakit? Incomplete answer. Eh saan nagmula ang sperm cell at egg cell? Saan nagmula ang pinagmulan ng sperm at egg cell and so on? Kung ano man ang pinaka origin nay un ay wala pang nakakaalam. Pero marahil ang sasabihin nila ay si God ang gumawa ng pinagmulan ng sperm at egg cell and so on. Paano ka nakakasigurong si God nga? Dahil ba sa 5 ways ni St. Thomas na causality in which sinasabi na kung may bunga, may sanhi at ang bunga ng lahat ng mga sanhi ay si God? Critics said that causality of St. Thomas is already considered as absurd and the most appropriate way to illustrate origin is the circle kung saan kung san ka nagsimula ay dun ka rin magtatapos. Hindi ko maeelaborate pa ang circle circle chorva na to dahil kulang ang aking kaalaman better to consult Sir Pacquing.

Nadz: Balik tayo sa ancient times, yung mga panahong wala pang alam ang mga tao. Magtataka sila, “bakit kaya umuulan?” hanggang sa iisipin nila na siguro may kumokontrol sa langit kaya umuulan. Kaya nagobserve sila at natataong pag may ginagawa silang ritual, nauudlot ang ulan. Tapos mapapansin un ng lahat hanggang sa sang-ayunan nilang baka nga may kumokontrol sa langit and POOF! Nagsimula na ang nature of worshipping.

Ako: Agree ako sa statement na to. Hahaha. Ang tipid ko.

Nadz: tapos dumaan ang maraming taon at nainlove na ang mga tao sa kaalaman, sa syensya. Tapos natutunan natin na ang ulan ay tubig na nagevaporate at nagcondense at naging tubig ulit. Asan si Bathala dun? So automatically, rejected na ang nature of worshipping hanggang unti-unti tayong natututo, unti-unti nating narereject ang religion.
Bakit kumikidlat?
Scientist: Dahil sa static electricity.
Ako: Sa aking palagay, contradictory ang science at religion at ito ang nakakagulo sa isip ng tao, kung sa religion o sa science ba maniniwala at ang desisyon ay depende sa mismong tao. Sa concepts pa lang sa Bible, tumataliwas na ang science. For example, dun sa plague kung saan sumugod ang mga insekto, mga daga, at naging pula ang ilog (I’m not sure kung ilog ba, basta, body of water). Sinasabi ng science na natural phenomenon lang ang mga yun. Ang sabi naman ng Christians, knocontrol ni God ang natural phenomenon na yun para makipagcommunicate sa tao (particularly sa pharaoh para palayain na ang Israelites from slavery). Hindi rin masasabing tama ang chronology ng Bible at aminado naman ang Church doon dahil tao lang ang gumawa ng Bible at tao lang din ang ginamit na instrument ni God para maisulat ang history Niya.

Nadz:Para sakin, ang Bible ay isang mahabang nobela na sinulat ng mga pinakamahusay na bangkero sa mundo. At ang Christianity ay isang malaking fans club ng nobelang un. Ang tao kasi, pag masyadong naiinlove sa isang concept, dun niya pinapatakbo ang buhay niya. For example, Buddhism. Maraming naattract sa principles ni Siddharta Gautama kaya maraming naniwala sa kanya, hanggang sa naging accepted religion na to.

Ako: Minsan naisip ko na din na binangka lang ang Bible pero ayokong maniwala. Mayron ding kasing mga proofs na totoo ang Bible like yung pinaglibingan ni Jesus, and etc. Mayroon din kasing mga writers noong unang panahon na nababalitaan ang miracles ni Jesus at nasasama pa si Jesus sa mga literaries o ano pang writings nila. For example, si Tacitus, Roman historian na nabanggit ang pagpapako sa krus ni Jesus at ang plagues na ginawa niya sa Egypt. Si Pliny the Younger (merong Pliny the Older sa maniwala kayo at sa hindi…hahaha) nabanggit niya na si Jesus ay tinatrato ng mga tao bilang God at nagwiwika ng mga salita ng Diyos.

Nadz: Ngayon, kung titigan mo san galing ang Earth? Di pa alam di ba? Pero alam mo bang nahanap na ang fragment waves ng big bang kaya posibleng totoo ito? Madami na kasi tayong nadidiscover at bawal discovery lalo lang nito nadidisprove si God. Walang kumokontrol ng langit, walang kumokontrol ng dagat, or iba pang chever. Lahat ng bagay nangyayari dahil sa logical causes lahat ay isang malaking series of events na may logical basis.

Ako: Ang Big Bang ay isang theory na sinasabing ang Earth ay galing sa isang malaking pagsabog at ito rin ang pinakaaccepted na theory about sa origin ng Earth sa science. Alam niyo bang mayroong Big Crunch kung saan sa huling bahagi ng buhay ng mundo ay magsasama sama ang mga fragments from the big explosion at ito ang magiging katapusan ng mundo. Kung saan nagsimula ay doon din magtatapos, nasabi ko na yan sa circle chever sa may first part.
Nadz: Tingnan mo ah..
Q: Bakit umuulan?
A: meteorology
Q: San galing ang mga bituin?
A: Astronomy
Q: bakit may lumalabas na dugo pag nasusugatan?
A: Anatomy and Physiology
Q: Bakit tayo nagmamahal?
A: Psychology
Asan si God dyan? Mas maniniwala ka ba kapag…
Q:Bakit umuulan?
A: Kasi umiiyak yung mga tao sa heaven
Nakakatawa na pakinggan diba?
Ako: Nung bata ako naniniwala ako na pag umuulan, umiiyak si Jesus. Haha. Seryoso
Nadz:Eto pa
Q: Maghapon na kaming nagdadasal, bat di pa rin gumagaling ang lolo ko?
A: E gago ka pala eh, dasal ka lang ng dasal, may magagawa ba yan? Ipagamot mo kaya
Q: Bakit siya pumasa sa exam e nagdasak lang naman siya?
A:E isa ka pang gago. Malamang nagreview yan kagabi.
Pilosopohan lang diba? So ang religion di naman talaga kailangan. Supplement lang sya sa morality, para di mo masaktan ang sarili mo sa katotohanan.
Ako: Gago ang taong puro dasal lang. Aba, hindi naman genie o wishing well si God (kung meron), hindi pedeng hiling ka lang ng hiling tapos di ka kumikilos? Aba, sniswerte ka,boy…
Nadz: Pag pinagtagpi tagpi mo ang lahat, babalik lang tayo sa dati,
Q: ano ang purpose ng religion?
A; para may paniwalaan tayo dahil sa ngayon ay di pa alam masasabi mo bang mali ako?
Ako: Lahat ng bagay ay kayang iexplain ng syensya ngunit hindi pa sa panahong ito at kung masasabi mong tama pa ang eksplanasyon na yun. May God man o mawala, masasabi kong may pinagmulan pa rin tayong hindi natin alam kung ano, sino, kailan o saan. Ngunit kung ano o sino man ang being na lumikha satin, tiyak akong malalaman din natin yun, pagdating ng panahon, pagdating ng ating KAMATAYAN. Pag may nakita kang heaven or hell (malas mo), masasabi mong totoong si God at kung hindi naman, nakakalungkot namang isipin na kalokohan lang pala si God (ayokong maniwala sa latter part). Ikamusta mo na lang ako sa Kanya kung mauuna ka.

At tae…inaaya pa ko ni Nadz na maging agnostist. Pucha chaka ko icoconfirm o irereject yang offer mo pag namatay na ko(lahat naman dadating dun) at napatunayan ko kung totoo ba o hindi si God.