Powered By Blogger

Wednesday, July 28, 2010

The Last House on the Right II

Hindi lang ako ang nakakaranas nito, pati ang nanay ko. Nito lang, namatay ang tito ko because of lung cancer then si Mommy, duwag. Siya lang magisa sa bahay nun, naglakwacha pa si Daddy at ako, nandito sa dorm. Matutulog na daw siya at tinanggal niya na ang saksak ng tv. Pagkatanggal niya ng saksak ng tv, biglang namatay ang ilaw. Hindi naman connected ang ilaw naming sa tv. Nagbihis agad si Mommy at pumunta agad sa kapitbahay sa takot. Chinika niya pa sa kapitbahay ang nangyari sa kanya. Char! Ako nga ilang beses ng namumulto hindi naman ako tumatakbo sa kapitbahay. Minsan nga kumukurap kurap yung ilaw, pero snob lang. MATATAKOT AKOT AKO SA BUHAY PERO HINDI MASYADO SA PATAY.


Minsan din, pagkauwi ko ng bulacan from manila, nagrereview ako while watching tv while texting, while writing (see…I can do multi-tasking), bigla na lang akong may nakitang itim na gumagalaw sa pader. Maliit lang siya, mga 4 inch. Hindi ko marecognize kung ano ito dahil na rin malabo ang mata ko. Pero nang makita kong lumilipad na sakin yung bagay na yun. Nagsisigaw ako habang tumatalon habang kinukuha ang books ko habang pumupunta sa kwarto. Syet. Napakalakas ng kabog ng puso ko nun, kung high blood ako, inatake na ko sa puso.

Nasa loob na ko ng kwarto nang mapagtanto ko na butterfly na black yun. Pero paano siya nakapasok ng bahay eh sarado naman lahat ng pinto at bintana? Achaka bigla kong naalala yung isang movie na tungkol sa butterfly, yung butterfly na black daw spirit daw yun. Nalimutan ko na kung ano yung movie na yun. Naisip ko agad si tito, at naisip ko rin n asana wag niya naman akong takutin. Pero tinatakot niya ba talaga ako o nagpapaalam lang? Hindi ko sure kung kelan nangyari sakin to pero alam ko malapit ito sa ika-40days ng pagkamatay ng tito ko or mismong ika-40 days niya. Nang maisip kong siguro nagpapaalam lang siya, okay lang basta wag lang niya ko biglain or magpakita, sana maintindihan niya na may pagkaduwag din ako. Bigla ko tuloy siya namiss kahit hindi kami ganun kaclose, close lang ako sa mga anak niya.

Maraming mga nangyari, nangyayari, at mangyayari sa bahay naming pero sana laging nandyan si God para di ako matakot c:

goood mooorrnniiing

Ewan ko ba at lage na lang may weird na nangyayari sakin tuwing umaga.

Lagi akong nagmamadali pag umaga dahil pakiramdam ko ay late na ako.

Nakalabas na ko ng gate ng dorm at nagulat ako at may bumati sakin ng good morning na matandang tricycle driver. Hindi ko naman siya kilala. At dalawang beses niya na ito nagawa. Anong nakain ng matandang to? Breakfast sa Jollibee. syet.

At pagdating ko pa sa sakayan ng jeep. May mamang kalbo na nakapambahay na nilalaro ang cellphone niya na bumati sakin, "Good morning, MA'AM" (nakangiti pa siya). syet. gaguhan tayo? Mukha akong teacher??wala akong kasalanan na ganito ang design ng uniform ko. pucha. Sinagot ko sya ng pabulong, "anong problema mo?" Ano kayang pumasok sa utak nun at umagang umaga nambwibwisit siya. Para siyang nasa Jollibee ah..Kulang na lang sabihin niya, "Welcome to Jollibee". syet.

Kalbo na nga nambwibwisit pa.

Ang matanda at kalbo ay hindi ko pinansin dahil I DON'T TALK TO STRANGERS.

Monday, July 26, 2010

The Last House on the Right

Ang lokasyon ng bahay naming ay liblib, napaliligiran ng puno, at malayo sa kalsada. Ang bahay rin naming ang huling bahaya sa kanan. Tatlo lang ang malapit na bahay sa amin. Yung isa, isang puting masyon na dating tinirhan ng mag-asawa ng wala pang isang taon. Since na nagmigrate na sila sa ibang bansa, wala ng nakatira sa bahay na katapat namin (puting mansyon) Ngayon, may panandaliang nakatira doon kasi ginawa na siyang martial arts training center. Pagkatapos yung dalawang bahay na malapit sa amin ay halos laging walang tao gayundin naman ang bahay namin dahil laging nasa trabaho ang mga magulang ko at ako naman nasa Manila na.

Noong doon pa ko nakatira, lagi akong naiiwan magisa sa bahay since elementary. Mula hapon pagkauwi ko ng school hanggang gabi. Mga bandang 8pm na kasi nakakauwi ang mga magulang ko.

Noong una, natatakot akong magisa pero ngayon nasanay na ko sa KANILA.

Sabin g kaklase ko dati na taga-doon talaga ang pamilya nila. Sa mismong lupa daw naming nilibing ang lolo niya pero hindi ako naniniwala dahil hindi ako tanga. May sementeryo na kaya noon, at hindi sementeryo ang lupa nay un para paglibingan. Syet.

Ang sala naming ang lagi kong tinatambayan sa bahay namin. Nakaupo ako madalas sa sofa na katapat ng tv. At sa likod at kanang bahagi ng sala namin ay may bintana na makikita ang mga puno sa bakuran namin. Yung bintana sa kanan, hindi naming nilalagyan ng kurtina dahil didilim ang loob ng bahay kaya kitang kita mo ang kadiliman ng gabi at kaliwanagan ng umaga mula rito.

Halos 10 beses ng naulit ang pangyayaring ito sa akin. Tuwing abala ako sa panonood ng tv o pag-aaral, may nakikita kong dumadaan o gumagalaw sa may kanang bintana. Hindi ko ito nakikita ng malinaw. Sa gilid lang ng paningin ko nakikita. Parang
peripheral vision? Wala akong third eye at ayoko ring magkaron. Hindi lang siguro 10 beses nang yari sakin to pero hindi ko na lang pinapansin, hindi naman nila ko inaano eh. Oo. Natatakot ako kaso nasanay na lang siguro talaga ako.


--To be continued....tinamad ang author

Ang Dating Daan


Kung nabasa niyo yung Macasieb’s theory…dapat basahin niyo kung hindi, ilulublob ko kayo sa putikan. Anyway, ito yung kalsadang nilalakaran ko nang maisip ko ang tungkol sa mga backpack na siyang dahilan ng aking pagkabansot.

Kung inaakala niyong walang dulo ang daan na ito, pwes nagkakamali kayo. Ang dulo nito ay bahay namin. Kami ang THE LAST HOUSE ON THE RIGHT. At ito ang maputik, mabato, daan na pinaninirahan ng mga engkanto ay nuno, daan na minsan ay may sumusulpot na ahas at patay na palaka, daan na masarap magtampisaw pag umuulan kahit mangingitim ang gilid ng kuko, daan na puno ng TAE, daan na may nanunugod na aso at kalabaw (joined forces…tumatakbo na lang ako pag nagcombo sila) at daan na ayaw kong daanan. Syet.

Sino bang gusting maglakad dito? Ako pa naman yung taong pag umuulan, nagkakaputik putik ang paa. Pero wala akong choice, hindi ako makakarating sa school ko nung HS. Hindi naman ako pwedeng lumipad or dumaan sa bukid na may mataas na talahib (mamatay ako sa dami ng ahas dun). Pakiramdam ko nga ito yung tinutukoy ni Robert Froste sa tula niyang THE ROAD NOT TAKEN kasi sabi niya puno dawn g struggles yung road nay un. Eh eto hindi lang struggles, buhay ang nakataya sa bawat daan mo dito. Ito rin ang dahilan kaya hindi ako makauwi ng gabi, dahil sa takot kong madakma ng kapre. Ito ang mga posibleng mangyari sakin sa daanang ito:
-100 times na madapa dahil sa dami ng bato
-mahabol ng asong ulol
-mahabol ng kalabaw na nauulol
-makagat ng ahas na nakikiulol
-marape
Case 1: marape ng TAO
Case 2: marape ng KAPRE
Case 3: marape ng matandang nagpapastol ng kalabaw sa bukid
-makidnap ng mga teroristang nagtatago sa bukid.
-makatapak ng tae

Congratulations sakin dahil nakasurvive ako sa pagdaan dito ng halos 16 years. Yehey!

Ngayon, panibagong daan naman ang tinatahak ko, mas maraming pagsubok, mas maraming kapahamakan.

Simbahan


Ito ang simbahan ng Pulong Buhangin, pasyensya blurred. Nagmamadali kasi ako sa pagkuha ng pic na ito kasi baka mahuli ako ni Father, kahiya naman baka magalit. Naisipan ko lang kuhanan kasi parang nanibago ako sa itsura nito (ikaw ba naman yung magiisang taon ng hindi nakapasok sa simbahan???---except sa simbahan sa USTE). Nagandahan lang talaga ako sa design ng simbahan. Sayang hindi masyadong kita sa pic yung ilaw sa likod ni Jesus na color green, ang cute! Maganda rin yung painting sa right sid, sino kaya nagpaint nun? Gusto ko magpapaint sa kanya ng mural ng sunflower, isa sa mga pangarap ko!!! Wala lang, share lang, bakit. Uiiii… di ko inokray ang simbahan….di ako bitter sa simbahan!ahaha….

Thursday, July 22, 2010

Lamunin Sana Kayo Lupa


Bumili ako ng french fries sa McDO na worth 55 pesos, LARGE. at syet, parang 20 pesos lang ang natikman ko, sana bumili na lang ako ng maliit. Putangina(first mura ko sa blog na ito). Kaya nga ko bumili ng malaki para madaming makain. aba, pakshet, may dalawang hinayupak na tumira sa fries ko. Kunin na nawa sila ni Lord.

Tangina. Nanghihinayang ako sa 35 pesos na hindi ko nakain. Putangina. Mga parasites. Hindi na ko bibili ng fries pag kasama ko kayo. Eh tangina, dati, nakakain ako ng fries ng libre at solo ko (with my ex??libre niya eh). Aba puta, ala pang 30 minutes, ubos na. anak ng pating! anak ng pating para kong nanakawan. Wala naman silang share sa 55 pesos na yun ahh.Nilamon ba ang fries ko?

Ang masasabi ko lang: PUTANGINA. Lamunin sana kayo ng lupa.

Larawan ng mga Kagalang-galang na Tomasino



Ako po si Janelle Macasieb, ang inyong citizen patroller. Ako po ay magrereport sa inyo ng isang lihim na pasugalan sa UST. Ito po ang larawan. Kung maari po ay ipahuli niyo na po sila bago pa sila dumami at makapagtayo ng sindikato.

Ito ay isang larawan ng mga estudyante ng University of Sto. Tomas, the royal…the pontifical…the catholic university in the Philippines.

Ngunit huling huli sa akto ang grupo ng kabataang ito na tila may kababalaghang ginagawa. Sila ay huling huli sa aktong nagtotong its. Naturingan pa man ding future accountants at nag-aaral sa catholic university. At ang pinakakagimbal gimbal pa dito ay mismong sa loob ng university nila ginawa ang kanilang bisyo!! Tsk, tsk, huling huli kayo!

Kung titingnan ang mga estdyanteng ito ay mukha silang kagalang galang, mga nakasalamin pa at mukhang genius yun pala ay nasa loob ang kulo. :)

Ano??? Magkano pusta? Panalo na ba? Balato naman oohhh…

Kasaysayan ng Coke Float




Habang naglalakad kami sa USTE at ang kaibigang kong nagngangalang ruBITCH ay bumili ng coke float sa McDo. At bigla na lang…nahulog ang coke float. Syet ang daming tao, shame. Ang coke float ay nasa sahig na at unti unti ng nalulusaw kasabay ng pangarap ni ruBITCH. Pati kami ay nahihiya sa kahihiyan ni ruBITCH at gusto na lang naming siyang iwan o kaya ay mag-usap na lang at magpanggap na hindi siya kilala pero no choice dahil malalaman nilang kakilala naming siya dahil sa uniform.

Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkainis at pagkahiya. Naiisip niya siguro ito:
“Syet. Nakakahiya. Sana lumubog na lang ako kasama ng coke float. Bat nahulog?? Sana may replay para hindi nangyari itoooo!!!lintik kasi yung nagbigay sakin ng float hindi fit yung takip! Sinusumpa ko sya! TOOOT TOOOOT TOOOT---nagpaulan ng mura”

At may nagsabi pang grupo ng mga kalalakihan sa Engineering ng, “aaaawww….”

Syet. Nahulog na nnga nangiinis pa sila. Kahabag-habag na ruBITCH. Nakakaawa naman si ruBITCH. Kaya todo tawa naman kami ni TABA sa reaction nila kuya at ang pagkawasak ng coke float ni ruBITCH. Wasak na wasak siguro ang pagkato ni ruBITCH ng panahong iyon. Pero hindi pa tapos dyan ang storya.

Sa sobrang kadepressan ni ruBITCH, naisip niyang sambahin ang lupa at baka sakaling ibalik sa kanya ang pinakamamahal niyang coke float. Kahit saan siya pumunta ay bigla na lang syang napapaluhod at napapasamba sa lupa. Pero hindi pa rin nadala ang babaeng sumasamba sa lupa. Naisipan niyang bumili ng coke float, un LAAARGGGEEE na. At ang swerte niya, hindi ulit fit ang takip. Pero dahil sa matibay pananalig at taimtim pagdadasal niya sa lupa, hindi naman nahulog ang float at nakainom din siya ng matiwasay.

At ito ang kasaysayan ng nawasak na coke float.

Tuesday, July 20, 2010

Stairway to Hell


Ito ang hagdanan kung saan dalawang beses na kong nagslide ng SOLID. Yung nakaupo at parang cartoon. Ang sakit. Ramdam ko ang bawat steps ng hagdan. OMG! At masama pa dun eh may dalawa pang Thai na rebulto na nakamasid sakin para bang nangiinis. Suntukan?? Yung rebultong yan ay 24 hours in 7days magkasama. Buti di sila nagkakasawaan.

Yung slide ko dito sa hagdan na ito ay parang pagkaslide ko lang nun sa St. Raymund’s noong exam ko sa USTE. As in ang daming taong nakakita! At syet. Wala man lang tumulong sakin tumayo. Kainis. Tinaga ko pa naman sa bato noon na hindi ako mag-aaral sa USTE dahil sa pangyayaring yun, pero heto ako.

Monday, July 19, 2010

Try Niyo Maglagay ng Caption


Ito ay isang picture. Ay malamang, tanga?? Pero kung saan ito?? Sa UST Nursing Building to. Sa may gilid, left side when you’re facing it. Kinuhanan ko ito habang nakatang ako sa may upuan at naghihintay ng milagro nang bigla akong mapatingin sa nasa harapan ko at nasabing kong “syet. Ano to?”

Ang pagkakaintindi ko sa mga salitang nasa pader:

Rc, Longanisa, Vita plus, Revisco, Protacio, Fungi, experiment (tingin ko tama ito), syet. Syet. Syet.

Hindi ko maintindihan ang kinakana ng nagdesign ng building na ito. Syet. May sulat sa pader na kung ano, malamang Espanyol na parang nagmumura o ano. Sana naisipan ng designer ng building na lagyan ng English or Filipino CAPTION (parang koreanovela ba?). Hindi naman lahat nakakaintindi ng mga chorvalooo na yan. Ganun din ang suggestion ko sa mga Koreano pag gagawa sila ng kanta. Para naman nagkakaintindihan tayo at hindi puro SORRY SORRY SORRY at RUN, DEVIL, RUN lang ang naiintindihan ko.

Bibigyan ko isang milyon ang makaintindi ng nakasulat sa pader na ito. Isang milyong mura.

Saturday, July 17, 2010

Manlalake tayo! woo!






Waasshheeenggg!! Ang gwagwapo…Ito ang mga pinapangarap ko!!Lol..haha. Ito yung mga taong gusto mong bubungad sa umaga mo…Mukha pa lang ulam na! lol

Starting with Edward Cullen not Robert Pattinson…
Hindi siya ganun kagwapo na mapapaWOW ka sa unang tingin at sasabihing, “Ay syet. Aasawahin ko na to”…Maiinlove ka lang sa kanya once na napnood mo na ang Twilight Saga especially Twilight. Ang sweet kasi mga ginagawa niya kay Bella na ikaw naman ay umaasang ikaw si Bella, pilit na nilalagay ang mukha mo sa katawan ni Bella habang nanonood ka ng movie with your BF na walang kaalam alam na nagtataksil ka na. Isa sa mga gusto kong scene ng pagkasweet ni Edward nung sinave niya si Bella from mga “gangster” o “hunyango sa gabi” with his shining shimmering silver Volvo. Super cool nung parang sasagasaan niya na yung mga hunyango. Tapos sabay pasok si Bella sa shining shimmering silver Volvo. Cool din yung pagbabantay niya kay Bella pag gabi nang di niya alam (kinda stalker). Iniimagine ko nga binabantayan din ako ni Edward pag gabi ehhh..lol

Pero pag Robert Pattinson ang paguusapa, medyo di ako agree..kasi ang dami niyang issue na drug addict siya, manyak, chain smoker at iba pa, maybe because of their culture. Pero I know, secretly engage na sila ni K. Stewart. (hala nagging showbiz news na???) And medyo nakakaturn off kasi pag kanta niya eh…parang umaatungal na baka

Taylor Lautner (as is)
I must admit, grabe ang abs niya na tipong si Justin Bieber ay iniidolize siya. Pero sorry hindi kita type dahil sa muscles mo. Nakakadiri kaya. BAto-bato. Nung pinanood ko yung eclipse. Ang cool kasi nun nagharap sila ni Edward tapos with matching rock music pa. Pating! Parang bigla siyang gumwapo sa eclipse eh dati hate na hate ko siya dahil sa stupid long hair niya.. na tabingi pa ang pagkakalagay.. yun lang…nastun lang ako sa kanya dahil sa eclipse pero I don’t want the fact that he’s (previously) dating Taylor Swift. Hate ko kasi si Taylor Swift, sorry sa fans.

Carlisle (wooo!)
Dr. Caslisle Cullen's real name is Peter Facinelli. Maniniwala ka ba na 50 years old na siya??? ako hindi kasi 36 years old na talaga siya. (lol. ang corny. nacornihan ako sa sarili ko). Ang gwapo ng ayos niya sa twilight, blonde and clean cut. Napakagwapo niya. Para siyang laging nagj-Js. Pero sa totoong buhay hindi ganon ayos niya. bat gnun? ganun na lang dapat. Twice na din siyang gumaganap na doctor sa mga movies/series. Kung ganon ba kaguapo ang doktor eh lagi na kong magkakasakit.lol! Sana nga siya na lang bida sa Twilight eh. Akmang akma kasi yung description sa book sa movie ng Carlisle eh. woo!

to be continued....tinamad ulit ang dakilang author

Thursday, July 15, 2010

The Very "I". Ang aking Pagkakwan.

Ayokong sabihin ang aking pangalan dahil alam kong alam niyo na o kung hindi man, hindi mo naman ako makikilala sa pangalan lang dahil hindi laman ng pangalan ko ang personalidad, pag-uugali, pag-iisip, at ang kahayupan ko (hayop naman talaga tayong lahat, in higher forms nga lang ), in short, hindi laman ng pangalan ko ang aking pagkakwan o the very “I”.

Sino ba talaga ako?

wirdo DAW ako sabi ng mga nakakakilala sakin. Bakit kaya?

a. Dahil ba kumakain ako ng manggang hilaw habang nagfafacebook?
b. Dahil ba gumagamit ako ng sebo de macho? (effective yan. promise)
c. Dahil ba gumagamit ako ng best herbal oil (parang katingko)?
d. Dahil ba wirdo din ang mga nakakakilala sakin? ----best answer

Sa mga hindi naman nakakakilala sakin..iisipin nilang…
a. Ako ay mabait (tamaaa)
b. Ako ay hindi nagmumura (tanging ina)
c. Ako ay mahinhin (puuussssaaangg gaalaaa)
d. Ako ay ANGHEL…. (tamaaaa…tammmaaaa…taaaammaaaa..tammaaaaadddd akoooo)

Kapag naliligo ako o kaya naman naglalabas ng SAMA NG LOOB (pagpoopoo, defecation, pagtae), lagi akong nagpapatugtug ng music (un maingay na maingay) para walang makaalam sa aking ginagwa. Malalaman na lang nila pag pumasok na sila ng CR 

Nag-aalarm clock ako ng 5am pag may pasok pero matutulog ulit ako ng 30 minutes.

Hindi ako marunong sumayaw (at sa kamalas malasan pa social dance ang PE ko…nice…kawawa mga groupmates ko, ako pa ang leader). Hindi rin ako marunong kumanta. Wala akong alam na sports. WALA KONG ALAM
Aabutin ng 30 minutes to 1 hour bago ako matulog pag pinilit ko kahit hindi pa ko inaantok. At sa loob ng 30 minutes to 1 hour na iyon ay iniisip ko ang mga taong mahal ko..hahaha…makeso

Friend na kita pag namura na kita..hahah…at asahan mo ito 7days a week…

Friend na din kita pag natawag kitang BAKLA. Dahil muka kang bakla..joke

Mahilig akong manuntok. Pag kay ian at nadz, gulpi..haha

Hindi ako mahinhin. Sa katunayan, malakas akong tumawa. Hindi ako tumatawa ng nakapanyo pa, talagan g tumalsik na lahat ng laway at maligo na sa laway ang katapat ko.

Malalaman mo pag galit na ko, pag nanahimik na ko.

Ayoko sa lahat ng kinukulit ako. Gusto ko ako lang nangungulit.

Wirdo din daw ang mga expressions ko (pero para sakin hindi naman, normal pa naman) tulad ng…
1. Pucha
2. Kupo!(Naku po)
3. Pusang gala
4. Hanep
5. Syet
6. Taeng yan
7. Pupu
8. Mura (tulad ng toot…haha..oo, nagmumura ako, hindi ako santo, lalong hindi anghel)
9. Purjas (hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito basta ginaya ko lang sa kaklase ko)
10. Kabayo (hindi si Vice Ganda)

Mga pangarap ko sa buhay:
1. Maging CPA sa AMV 
2. Ikasal sa Main Building ng USTE (sana pwede)
3. Magkaron ng bahay na katulad na katulad ng sa Full House (glass house)
4. Makagawa ng maski isang dakilang piece of art sa practical sa art (kadalasan ko kasing grade sa arts na dinadrawing sa oslo eh from 74 to 85..ganyan ako kadakila) Wala pa kong natatandaan na nakaappreciate sa mga dnrawing ko at wala pa ring nabubuhay pagkatapos nilang laitin ang gawa ko. tae
5. Gusto kong tumangkad. Mas matangkad pa kay Oneal.
6. Gusto kong makasapak ng mas malaki sakin gaya ni Bino o ni Cedrick???(gee…wag na lang, baka pumatol).
7. Gusto kong magmukang tama sa age ko, feeling ko kasi hindi ako tumatanda. (haha…Esther ng Orphan?)
8. Ayokong maging immortal. (pero wag Niyo muna ko kunin now…)
9. Gusto kong magkaron ng isang magandang mural ng mga sunflower sa kwarto ko na sana ay gawa ko (kaso wag na lang. baka mababoy ko lang ang pader)
10. Gusto kong pumunta sa Wonderland, hindi bilang Alice, kundi bilang si Madhatter…wala lang..gusto ko lang ipagpatuloy ang kabaliwan ko sa Wonderland
11. Gusto kong magpahaba ng buhok (hiraaap na hirraaap na ko. Feeling ko may sa nuno ang buhok ko at hindi humahaba)
12. Gusto kong yumaman para maging hari’t reyna na lang kami ng mga magulang ko at bilin na naming ang Pilipinas.
13. Gusto kong makasakay ng airplane (feeling ko kasi ang tangkad ko pag nasa mataas akong lugar)
14. Gusto kong pumunta ng America pero manliliit ako kaya sa Japan na lang (Tokyo Disneyland)
15. Gusto kong maghasik ng lagim…char
16. Gusto kong maligo sa ulan sa may fountain sa USTE ay mambasa ng mga tao.
17. Gusto kong maging president o kaya anak ni Noynoy
18. Gusto kong mameet si Gloria para macompare ang height naming at para din nakawan siya.
19. Gusto kong matupad mga pangarap ko sa buhay tapos magyayabang na ko..joke



At panghuli…
20. Gusto ko ng maligo dahil walang kuryente, walang tubig, at walang signal sa dorm ko ngayon. Nasan ba ko? Nasa isla ng Potipot?

Tuesday, July 13, 2010

Macasieb’s Theory


Habang naglalakad ako sa bukirin ng Bulacan, nanakit ang aking kasu-kasuan at likod. Hanep kasi ang aking backpack (BAGPACK ang tawag ng aking tanging ina sa backpack at ang prof ko naman ay DORA BAG), mas malaki at mas mabigat pa sakin..para bang may hunyangong humahatak sakin pababa..di ko mawari ko kung may nasa bag ko ba si Ricka sa bigat o ano?

Bigla ko tuloy naimagine ang sarili ko. Muka na siguro akong tanga sa mga panahon iyon. Napakasakit na nga ng likod ko kung ano-ano pa ang naiisip ko.

Bigla ko tuloy naalala sa aking mumunting isipan, ang mga cute na cute na mga kinder na may dala dalang mga bagpack na ams malaki pa sa kanila..sus maria! Parang pagong na dala dala lagi ang bahay. Usong uso pa ang Barbie at Dora na bag. Pero pag nagkaisip isip na ang mga bulilit, magpapabili na sila ng di-gulong na bag, nakupo! Nadisgrasya si nanay, nakita pa kasi sa kaklase at naiinggit. Natatandaan ko pang ang unang unang di-gulong na bag ko, may tatak pa nga yung “Makati City” kahit hindi ko naman ako taga-Makati. Bigay lang sakin yun ng lolo ko pero hindi naman siya taga-Makati…san niya nakuha yun??isa yang misteryo na baka hanggang mamatay ako ay hindi ko na malaman…

Sa mga high school students din naman may nakikita rin akong may very very very big bagpacks…Yung tipong parang sinilid ang mga syota nila sa loob. At plus may file case pa ah…san ka magpupunta??maghihiking? o aakyat ng Mt. Everest.

Di ba nila nararamdamang ang sakit sa likod. Pwede pa silang magkascoliosis sa kakaback pack. Ito namang sila nanay, backpack pa ang binibili para kasya lahat. Kasya nga lahat pati kayo kasya. Parang pinapadala ang buong mundo sa mga anak nila. Kaya pag ako nagka-anak (sana di ako baog, Lord, please?), ibibili ko siya ng di-gulong na may tatak na Makati din..hahah.. pero pag nagdi-gulong syempre papabuhat ko sa iba pag nasa hagdan kasi baka di sya lumaki (tulad ko)

Isa ko sa mga biktima ng nababansot sa backpack. Syet. Masakit man aminin. Ito ang katotohanan. Ito ang theory ko kung bakit ako ganito. Bow!

Friday, July 9, 2010

Dead Sea



Comparisons are easily done
Once you've had a taste of perfection
Like an apple hanging from a tree
I picked the ripest one, I still got the seed

YOU SAID MOVE ON, WHERE DO I GO?
I guess second best is all I will know

'Cause when I'm with him I am thinking of you
(Thinking of you, thinking of you)
Thinking of you, what you would do
If you were the one who was spending the night
(Spending the night, spending the night)
OH, I WISH THAT I WAS LOOKING INTO YOUR EYES

You're like an Indian Summer in the middle of winter
Like a hard candy with a surprise center
HOW DO I GET BETTER ONCE I'VE HAD THE BEST?
YOU SAID, THERE'S TONS OF FISH IN THE WATER, so the waters I will test

He kissed my lips, I taste your mouth, oh!
(Taste your mouth)
He pulled me in, I was disgusted with myself

'Cause when I'm with him I am thinking of you
(Thinking of you, thinking of you)
Thinking of you, what you would do
If you were the one who was spending the night
(Spending the night, spending the night)
Oh, I wish that I was looking into

YOU'RE THE BEST, AND YES, I DO REGRET
HOW I COULD LET MYSELF LET YOU GO
Now, now the lesson's learned
I touched it, I was burned
Oh, I think you should know!

'Cause when I'm with him I am thinking of you
(Thinking of you, thinking of you)
Thinking of you, what you would do
If you were the one who was spending the night
(Spending the night, spending the night)
OH, I WISH THAT I WAS LOOKING INTO YOUR, YOUR EYES
LOOKING INTO YOUR EYES, LOOKING INTO YOUR EYES

Oh, won't you walk through?
And bust in the door and take me away?
OH, NO MORE MISTAKES
'CAUSE IN YOUR EYES, I'D LIKE TO ....


Di man ako marunong magcompose ng ganto kagandang kanta, Di man ako kasing galing kumanta ni Katty Perry(gusto niyo sample?? Para kasing naiiba ang kanta pag ako na kumakanta eh)...Kaya ko naman gawan ng interpretative dance ito..haha..lol...Ewan ko ba kung bat ko nagawa tong blog about dito, siguro nakakarelate lang talaga ako...

Bbye na...MANGINGISDA PA KO SA DEAD SEA EH...PERO PAG HINDI AKO NAHULI,BALIK AKO...

Monday, July 5, 2010

SANA… - seryoso itech


Hindi ko personal na napanood ang inauguration kay Pres. Noynoy Aquino. Leche kasi…wala kaming tv sa dorm. Pero napanood ko sa youtube ang ilan sa part ng speech niya (hanggang sa WANG WANG part). Teka, bat nga ba wang wan gang tawag ni Noynoy dun?? Diba may angkop na tawag dun? Police car horn, tama ba? Okay, tama na ang wang wang. Seryoso na itech.

Sinasabi nating corrupt si Gloria pero hindi natin maitatanggi na marami rin siyang nagawa lalo na sa pagbibigay ng mga trabaho sa mga Pilipino bunga ng napakagastos niyang pagpapasyal sa ibang bansa. Si Kabayan Noli naman ay nagfocus sa mga housing projects na pansamantalang solusyon lang sa problema ng ilang mga Pilipino. Bakit? Substandard ang mga pabahay eh. Daanan lang ng bagyo, giba na, mumurahin na materyales kasi ang ginamit sa mga bahay. Bandage solution lang ang ginawa ni Noli, wika nga ni Chiz. Hindi nito lubusang nasolusyunan ang problema. Ilan sa mga isyu na napupukol kay Gloria ay ang corruption, hindi pag-amin sa kasalanan, pagiging maluho ,abuse of her power, pagpipilit ng lintik na Chacha na yan. Puta(syensya, nacarried away)! Napakakulit, ilang beses ka bang inire, sabi ng ayaw nga ng taumbayan eh(sige, bahala ka na magenumerate ng mga issues niya, tinatamad na ko, andami kasi) .

Ito ang mga pamana ni Gloria kay Noynoy: corruption, kawalan ng tiwala ng mga Pilipino sa gobyerno, infinite na kahirapan (daig pa value ng pi), problema sa edukasyon, pagkasira ng kalikasan, kawalan ng trabaho, hindi pagtutuon ng pansin sa mga may kapansanan at mga matatanda, political dynasty, tax na wala namang pinatutunguhan, kawalan ng benepisyo sa mga manggawa lalo na sa OFWs, problema sa mga ospital (ospital pa ba tawag dun eh wala namang doctor at nurse, self-service hospital?)…ay pupu, tama na, naiistress na ko, puro na lang problema!

Hindi ko na kailangan pang ipakilala si Noynoy, kilala naman siya ng lahat, pati ng mga bata. Si Noynoy ay kilala din bilang Obama of the Philippines. Isa ko sa mga milyong – milyong naniniwala sa pagbabagong pinangako ni Noynoy ngunit sana ay hindi ako nagkakamali.

Humanga ako kay Noynoy noong eleksyon kung saan nakipagsiksikan pa siya sa masikip at nakapanlalagkit na mga presinto para lang makaboto. Gusto niyang maging pantay siya sa mga kababayan niya kahit na pwede naman siyang mauna na (sana hindi pagpapabango ng pangalan lang). Isa pang pagpropromote niya ng equality between him, as a president, and us, as an ordinary citizen of this nation, ay ang paggamit niya ng wikang Filipino sa kanyang inauguration at mga press conferences upang magkaintindihan ang lahat. Sabi nga ni Sir Pacquing, dakilang guro ko sa Philosophy, para maexpress mo ang sarili mo (your very “I”) you must speak in your native language so that thoughts will be united. Hindi na kailangang magEnglish ni Noynoy para lang magpa-impress at ipakita ang kagalingan niya, dahil alam niyang hindi lahat ay nakakaintindi ng English. He wants to reach every Filipinos.

Isa pang sa unang pinatupad ni Noynoy bilang pangulo ang NO WANG WANG(tunog alien..haha). Ayaw niya ng wang wang pag pupunta siya sa Malacanang para lang mag-give way sa kanya ang iba pang mga sasakyan, gusto niyang maging ordinary lang at hindi gamitin ang kanyang special privilege as much as possible. Yung iba kasi minsan, nag-wawang wang kahit hindi naman emergency (esp. mga firetrucks & police cars). Para kasing inaabuso na lang ang kapangyarihan sa wang wang na yan at nagcacause pa ng traffic.

Sa ngayon, sang-ayon ako kay Noynoy kahit nagyoyosi siya (kanya-kanyang trip yan, lungs naman niya masisira basta wag lang ito makakaistorbo sa trabaho niya at hindi niya gagamitin ang pera ng bayan sa pagbili ng yosi) ngunit sa oras na gumawa rin siya ng katiwalian, ibibida ko siya dito sa blog na ito. Bakit? Freedom of expression?

Sana ito na umangat na ang Pilipinas. Simulan na natin ang laban ng pagbabago.

Tandaan natin na hindi lang dapat tayo umasa sa gobyerno para makuha ang nais na pagbabago. Ang pagbabago ay dapat magsimula sa ating mga sarili. Bow! J - tntry ko na magbago in my own simple ways, promise!

Teka, macarry kaya ni Noy (close) ang pagiging president? Pustahan tayo kung ilang piraso ng buhok matitira kay Noynoy sa kunsumisyon after ng term niya! Hahaha…joke.