Powered By Blogger

Monday, August 30, 2010

Sorry sorry sorry


Haay, bad day..ito na po ang huling post ko. Mayron kasing naoffend sa post ko, haist. Akala ko friend ko siya at hindi siya mapipikon sa pagbababa ng pagkatao ko sa kanya. Sa makikita niyo sa ibang post ko, kadalasang panguurat o pangbabalahura ng tao ang subject ko. Minsan ko siyang nabalahura, at bigla na lang nalaman kong naoffend pala siya. Hindi ko akalaing maasar siya dun.

Kasi karaniwang mga binabalahura ko ay young mga taong close na sakin o yung mga taong alam kong hindi magagalit kahit murahin ko pa, parang si Ian (best example).

Akala ko kasi tulad siya ni Ian na kinoconsider yung pangaasar ko as pangungulit lang, hindi pala. Nakasakit pala ako. Sorry, ganto talaga ko. Kaya kita binalahura kasi kinukulit lang kita, pampam lang. Hindi na mauulit ang mga post na pangbabalahura ng tao dahil ihihinto ko na to o kaya naman ay magbloblog pa rin ako kaso wala ng pangbabalahura, lahat positive (eh putangina para san pa ang kabitteran ko nun). Nakakaputangina naman ang blog na lifeisbitter tapos puro positive lahat at walang kamura mura, ano ko santa? Baka kunin agad ako ni Lord nun. At kung puro si Ian naman ang uuratin ko sa blog ko, aba, saying oras ko at mabubulok lang ang blog ko. Kaya nakapagdecide na ko na kung hindi lang din ako manguurat, hindi na lang ako magbloblog.

Lesson: Maraming nawawalan ng blog sa maling akala. Babush!

Pero bubuksan ko pa rin tong blog na to, so updated pa rin ako sa mga paglalagay niyo sa chatbox ko. Okay?

First Fried Ice cream Experience






Naisipan kong bumili ng Fried Ice cream. Kakaiba kasi. Achaka mukhang masarap. Nagwowonder din ako kung mainit ba yung ice cream na yuun kasi sabi fried eh. Or ano kayang pinagkaiba nun sa pinagkaibang ice cream.

Hay naku. 25 pesos yung binili ko. Chocolate ice cream, chocolate syrup, at chocolate toppings. Favorite ko chocolate eh. Haha. Ang tagal kong naghintay ng order ko, mga 30 minutes siguro (natapos na yung kasama ko kumain ako hindi pa nakakakain). Excited na excited ako, inaabangan ko pa tapos pinapanood ko gawin. Mukha kong tangang nakatitig dun. Naiita ako.

Parang nilalagay nila yung liquid (maybe melted) na ice cream sa pan tapos umuusok yung pan, ang galing (naita??). haha. Tapos tumitigas yung ice cream tapos iniiscrape nila from the pan then tintransfer sa bowl. O diba? Pede na kong magluto ng sarili kong fried ice cream. Ikaw ba naman kasi tumitig sa paggawa nun for 30 minutes. Edi ayan na, nasakin na ang aking ice cream!!

Nang tikman ko. Pucha. Ang gara ng lasa. Parang bubble gum na madikit sa bibig at para kong kumakain ng lupa na clay. Iww. Chocolate yung flavor ng ice cream ko eh bat lasang bubble gum. Kadiri talaga. Hindi masarap. Mas masarap pa yung yogurt. Atleast yun hindi lasang lupa (hindi pa ko nakakatikim ng lupa at wala akong balak tikman). Kaya yung kalahati ng ice crea, tinapon ko na lang. wala siyang pinagkaiba sa ordinaryong ice cream, yung lasang clay lang. Mas masarap pa sana yung sundae or mcflurry! Hindi na ko bibili ulit nun kahit kelan. Paano kaya naatim nung mga bumubili na kainin yun eh parang nakakasira ng chan. Popo.

Nagaway ang isang aspiring CPA at ang isang CPA



Bumibili kami ng pagkain sa McDo ng nanay ko. Nagiisip kami ng sulit na pagkain, yung mura na nakakabusog pa. Bago kami makarating sa McDo, naikot na naming ang buong Sta. Maria para lang makahanap ng sulit meal. Sus maria, gutom na ko hindi pa rin kami nakakapili kaya sabi ko sa McDo na nga lang, mcsaver. Pucha.

Nung nandon na kami sabi ko yung mcsave na spaghetti at coke na lang na worth 50 pesos. Si Mommy naman sabi yung spaghetti lang walang coke since na hindi naman ako mahilig sa coke, 42 pesos yun. Hinayaan ko na siya kahit anong gusto niyang gawin kahit hindi naman talaga sulit yun, para lang matapos na.

Edi ayan nasa labas na kami, sabi ko sa nanay ko dapat yung mcsaver na lang eh tapos yung coke ibigay na ang kay daddy mas sulit pa. 8 pesos na lang idadagdag dun. Tapos nung naglalakad kami kinukuha niya yung spaghetti sa kamay ko, tapos ako naman binitawan ko, at ayun…wasshheeng! Ang spaghetti ay nasa sahig na. Tawa ko ng tawa dahil sa kakacompute ng mas sulit, nauwi rin sa wala para ding kakapili napunta sa bungi..hahahaha

Naiinlab na ata ako kay Bieber


Naiinis ako kay Bieber dahil ang yabang niya…super..hindi ko na kailangang magbigay pa ng mga kayabangan niya. Pero nung nanonood ako ng rated K. Naamaze ako sa kanya for the first time kasi sumasayaw, kumakanta, at NAGCOCOMPOSE din pala siya. Noon ko lang nalaman. OMG. Tapos nun ko lang din napansin na ang galing pala niya sumayaw. Ang ayos niya pa manumit (yung iba lang..) Kaso nang iclose up na ang mukha niya sa tv. Ay, syet, there’s something wrong sa ilong niya. Sana malayo na lang siya at wag na lang siya icloclose up, mainlab na sana ko eh. Sorry sa mga fans ni Bieber, opinion lang po.

Humanities


Paalala: Kung ayaw mo basahin edi wag! Pinipilit kita? Hindi naman to something bitter eh.., promise
Ito ang pinasa kong take home quiz sa Humanities namin. Gumawa daw kasi ng love letter kaya yan ang ginawa ko tapos nilagay ko sa bottle para ipupukpok ko sa pagbibigayan ko. Haha (joke). Tapos sakto nung araw na pinasa ko to sa prof namin,. nagtext yung dapat sana ay pagbibigyan ko ng sulat na to. Nagpustahan pa nga kami ni ruby ditto eh. Pag nakauno ako , ibibili niya ko ng keuchain na deathnote. Haha. Pero hindi yung deathnote ang inspirasyon ko dito, siya talaga.

Para sayo,

Naiinis ako sayo dahil sa ginawa mo sakin. Unfair kasi, ako minahal talaga kita nang sobra tapos ikaw maghahanap ka lang ng iba. Hindi mo kasi alam kung gaano kasakit yung lokohin eh.

Kaya pinili kong maging matalino at mabuhay ng wala ka kaysa maging bobo at magbulag bulagan sa mga ginawa mo.

Dahil sayo naging bato na ko. Hindi na ko magmamahal dahil wala rin namang mangyayari, magkakahiwalay din naman at magkakalolokohan lang din. Bat ka pa magkakagusto sa iba kung hindi naman magiging kayo sa huli?

Hindi sapat ang sulat na to para ipaalam sayo ang sakit ng umasa na akala ko nandyan ka lagi, sakit ng umasa na totoo ka sakin, at sakit ng umasa na akala ko ako lang.

Nang magkahiwalay tayo, wala na kong inspirasyong gumising ng maaga dahil alam kong isa na naman tong araw na wala ka. Hindi katulad dati na pag gising ko pa lang ay iniisip ko na agad na itext ka. Simula ng maghiwalay tayo, ayoko ng manood ng mga koreanovela dahil para lang siyang fairy tale na nagpapaasa ng mga tao na makakasama nila yung mahal nila sa huli. Tuwing may nakikita kong mga masasayang couple, ikaw agad ang naalala ko kaya naiinis ako at umiiwas na lang ako ng tingin. At sa tuwing naalala kita, pilit kong binubura ka sa isip ko pero wala ding nangyayari.

Ayoko naman talagang maging bitter pero yun lang ang naiisip kong paraan para makalimutan ka. Sa totoo nga nyan, pinagdadasal ko pa na mawala ang galit ko sayo. Masyado kasi kitang minahal kaya siguro ganon din kahirap kalimutan. Akala ko mabilis lang kitang malilimutan dahil sa galit ko sayo, hindi pala. Mawawala din pala ang galit na yun at ang iisipin ko lang ay kung gaano kita kamahal.

Kahit na naiinis ako sayo, may bahagi pa rin ng AKO na gusto maging TAYO

Gusto kong umasa na balang araw, ikaw din yung makakasama ko sa simbahan at ang unang makikita ko paggising ko sa sarili nating bahay. Ikaw pa rin yung iniisip ko bago matulog. Ikaw pa rin yung iniisip kong kasama ko hanggang tumanda ako. Pag iniisip kaya kita. Naiisip mo din kaya ako?

Ayokong dumating yung araw na makikita kitang may kasamang iba. Ayoko ng maghanap ng iba. Ayoko ng magmahal kung hindi lang din ikaw. Ayokong magmove on kasi baka malimutan kita, ayokong mangyari yun. Ayoko ring magmove on dahil ayokong malimutan ang mga masasayang araw natin na magkasama. Siguro nasasabi ko lang to dahil hindi pa kita nalilimutan pero sa ngayon, yun ang gusto kong gawin.

Nagpapanggap akong naiinis ako sayo at sa ginawa mo pero ang totoo ay napatawad na kita at ginagawa ko lang yun para sa sarili ko dahil kung patuloy pa kitang mamahalin kahit hindi na tayo, masasakatan lang ako.

At dahil sa sulat na to, hindi ko na alam kung gugustuhin ko pa bang ipagpatuloy ang paglimot ko sayo o susuko na ko sa pagpapanggap na matapang at luluhod sa harap mo para balikan mo ko.

Hirap na hirap na kong kontrolin ang nararamdaman ko. Gusto ko ng bumalik sayo at bumalik sa pagiging masaya. Gusto kong ipagpatuloy ang mga ginagawa nating mga sweet noon. Gusto kong makasama ka ulit. Gusto kong mag-away-bati tayo ulit. Gusto kong bumalik sa nakaraan.

Handa na kong magpatawad. Hindi ko na iisipin ang sinasabi ng iba. Ayoko ng isipin pa ang mga sagabal, ang oras, ang lugar, ang sitwasyon ko, at ang sitwasyon mo. Ayoko ng magpanggap na hindi na kita gusto, na galit ako sayo. Sumusuko na ko. Kahit kailan naman hindi ako nanalo sayo eh.

Alam ko na kung bakit kahit anong pilit kong gustuhin ang iba ay hindi ko pa rin magawa yun ay dahil ikaw pa rin ang gusto ko.

Ang bobo ko. Hindi ko nalaman yun at nagtanga tangahan ako dahil sa kagustuhang makalimutan ka. Naiinis ako ang tanga tanga ko talaga. Putanginang yan. Ang bagal ng response ng utak ko sa gustong ipadama ng puso ko. Bwisit. Mga aabutin ng 5 months bago ko marealize na hindi ko kayang wala ka. Nagmagaling magaling pa ko na kaya ko yun pala bibigay din ako. Bat ba kasi ang retarded ng utak ko. Feeling ko napakababa ng E.Q. ko. Sa loob ng 5 months ngayon ko lang naisip to. Ang iniisip ko lang naman kasi nun ay kung paano ako magiging malakas at kalimutan ka.

Sa loob ng 5 months na yun ay hindi ko pinakita ang weakness ko o hindi man lang ako umiyak sa mga pinagsabihan ko ng problema ko dahil akala ko wala ring magagawa ang pagiyak. Sabi nga, don’t cry over a spilled milk. Pero mali sila, may nagagawa ang pagiyak, narerealize mo kung gaano ka kahina at kung paano mo tatanggapin ang kahinaan na yun.

Gusto ko nang sundin ang puso ko at bumalik sayo pero wala akong tapang dahil baka sa oras na magmakaawa ako sayo, mareject mo lang ako o kaya naman ay may iba ka ng gusto o baka saktan mo lang ulit ako.

Duwag talaga ako. Wala akong kwenta. Hindi ko man lang masabi sayo na hanggang ngayon ikaw pa rin ang gusto ko. Naiinis ako sa sarili ko. Ang tanga tanga ko. Hindi ko kayang ibigay sayo ang sulat na to.

Kaya ang sulat na ito, sa dagat na muna mapupunta hangga’t wala pa kong lakas para sabihin sayo na tinamaan ako sayo at mahal kita kahit ano pang mangyari. Oras *na magkatapang na ko, sasabihin ko sayo kung gaano ka importante sakin at kahit ilang buwan o taon, pumuti man ang buhok ko, ikaw pa rin.

At kung sakaling magkaron ako ng tapang umamin sayo o kaya naman ay anurin ang sulat na to sayo:

Oxi, please naman, sana naman tanggapin mo ko. Hindi dugo ang ginamit ko para isulat to kundi biru-birong luhang ang binuhos ko dito. Pag nadehydrate ako at naubusan ng tubig sa katawan, ikaw may kasalanan. Nasisiraan na ko dito. Love you, kumagang tagal ko nang hindi nasasabi to :)


Janelle a. macasieb 

Red = Brown

Nagpacellophane ako sa parlor. Sabi ko sa bakla, brown yung kulay. Nung inaaplyan na nila yung buhok ko ng mga cream or kung ano man yung ek ek na yyun, nagtataka ko kung bakit parang pula or pink yung cream ek ek na yun. So kiber lang, kasi baka ganun talaga, pag natuyo, brown siguro yun. Mga isang oras akong walang ginagawa kundi isipin kung bakit pula ang inapply na cream sakin. Pucha. Isang oras akong nagwowonder sa harap ng salamin. Hay naku. Tapos ayan na binanlawan na yung buhok ko tapos binlower. Sa wakas, malalaman ko na ang kasagutan sa tanong ko. Nang makita kong unti unting natutuyo ang buhok ko, parang kulay red? Kiber lang ulit, siguro namamalik mata lang ako. Eh pucha. Nung natuyo na yung buhok ko, hindi ako namamalik mata! Red talaga! Pucha. Ang sabi ko brown ah. Hindi na ko nagreklamo kay bakla na ”dang” ang tawag sakin kasi hindi naman masyadong red na nagaapoy yung nilagay niya (woo! Buti naman kundi magtratransform ako bilang Goku at ikakame kame wave ko siya). Dang ang tawag niya sakin as in Badang. Pucha. Ano namang salita yun? Nababaliw na talaga tong bakla na to.

Pag uwi ko ng bahay, gabi na kaya hindi ko na nakita masyado ang buhok ko (pag naarawan lang kasi nakikita yung kulay). Tapos paggising ko, nanlaki ang mata ko pagharap ko sa salamin, naggusot ako ng mata, at kinurot kurot ang pisngi ko, syet, nanaginip ba ko? Red talaga ang buhok ko!!! Red na red parang palong ng manok, parang apoy ang ulo ko! Pucha. Tirik na tirik kasi ang araw ng magising ako kaya kitang kita kulay ng buhok ko. Pusang bakla yun. Dahil sayo, hindi ko na gugustuhing magpaaraw kundi malalaman ng taong ang tunay na pagkatao ko, isang akong vampire at pag naarawan ay maggliglitter ang skin ko, ay hindi pala, isa akong tandang na may pula at galit na galit na payong kaya don’t mess with me, ok? Ok sana kung kasing ganda ko si Hayley eh..kaso hindi eh..tae pero buti sa pic hindi naman kita yung pagkared…hay!

Hoy, Dang, bakit red ang kulay ng buhok ko? Sabi ko brown diba?

Therefore, I conclude, ang kulay ng buhok ko ay brown (kahit na red) at red = brown.

Killer Bus Part 3

Badtrip. Lagi na lang tuwing sasakay ako ng killer bus may nangyayari talagang kamalasan. Sus maryosep. Napagitnaan ako ng dalawang manong na mabaho. Para kong mamatay. Hindi ako mamatay sa polusyon, sa amoyt niyo dalawang manong. Pupu. Ang ginawa ko para hindi ko maamoy ang combo nila manong ay nagpabango ko para kahit papano maibsan ang baho nila. Hindi talaga ako yung nagpabango, nagwisik lang ako sa kanila. Hahaha. Susmaryosep naman kasi. Parang nabubulok na daga ang amoy ang combo niyo.

Syet. Sa sobrang kabahuan nila manong, nakatulog ako sa bus na dati naman ay hindi ako nakakatulog pag nasa bus. Himbing ng tulog ko dahil sa kamandag nila manong. Yung tipong nagigising gising pa pag pumepreno yung bus. Haha. Nakahawak kasi ko dun sa upuan sa harap ko tapos sa braso ko ako natulog, eh dumulas yung kamay ko sa upuan. Pong! Nauntog ako sa upuan, pinagtinginan pa ko pero kiber lang. tulog pa din ako. Ganyang kalakas ang amoy nila manong, nakakapagpatulog ng tao. Super powers nila yan tapos kinombo pa nila ko, ay, wala na kong nagawa. Hindi uubra ang powers ko sa kanila. Para kong kiname kame wave ng sabay. Hahaha.

Friday, August 27, 2010

Motivation



Habang tamad na tamad ako mag-aral, gumawa ako ng kalokohan na sana ay bigyan ako ng inspirasyon mag-aral. Dinikit ko yan sa pader na nasa harap ng study table ko. Lahat na ginawa ko para sipagin ako at hindi antukin. Pero ang ending, tinamad pa din ako magreview sa Bio at natulog na lang. Pero ang swerte ko pa din dahil hindi natuloy ang test. Hahaha. At least hindi ako puyat kakaaral kaysa naman nag-aral ako puyat naman, diba?

Vegetarian

vegetarian for one day! I almost die. Nasusuka ko naamoy ko pa lang ang legumes..lalo na pag natikman ko. ewan ko ba, feeling ko kumakain ako ng damo pag kumakain ako ng mga sitaw, at kung ano ano pang legumes. syet. hindi dapat tawaging vege day ang kahapon dapat legumes day! 4 times a day ako kumain ng legumes! Kung may rayuma lang ako, namatay na siguro ko. Susme. Sabi ko magiging vegetarian ako for one day pero hindi ko sinabing puri sitaw lang. popo.

Ang PInagmanahan Ko

Nanay ko: musta ka na nak?
ako: ma, magmamadre na ko (joke lang ito, malinaw?)
nanay ko: sige, hahanapin ko si father bukas (sinakyan naman ng nanay ko ang trip ko...may pinagmanahan nga naman)

Thursday, August 26, 2010

First Blood


Ang isa kadorm ko ay nagtatrabaho na. Madalas ko siyang nakikitang nagcocomputer at mukhang ginagawa niya hanggang sa bahay ang trabaho niya dahil mukhang seryosong seryoso siya. Halos hindi na rin siya kumakain o umiihi man lang. Talagang nakaupo lang siya sa harap ng laptop niya. Nahihiya tuloy ako dahil ako walang ibang ginawa kundi magFB. Hanga talaga ko sa kanya dahil kahit mga alas-2 na ay nagtratrabaho pa din siya sa laptop niya. Hindi niya maiwan iwan ang trabaho. Busy siya lagi parang tinambakan siya ng boss niya ng trabaho.

Ayokong maging kasing busy niya pag nagkatrabaho na ko. Grabe. Parang umaga siya tulog tapos gabi gising. Aswang ka, te?

Minsan pa nakikita ko siyang stress na stress at init na init kahit bukas naman ang air-con. Tapos kumain muna siya sa may kusina tapos napadaan ako sa may lamesa niya, nakita ko, nagdodota lang pala siya. Punyeta kala ko pa naman may ginagawa siyang produktibo. Pareho lang pala kami. Pusang gala. Akala ko pa naman huwaran ka. Sus maryosep! Seryosong seryoso ka pa. Nag-fifirst blood ka lang pala. Syet. Hindi kita maistoistorbo, naglalaro ka lang pala. Anak ng pating! Pagkatapos nung natuklasan ko, dalawa na kaming nagfifirst blood c:

Si Taguro at Si Richard


Nagdidiskusyon kami ng aking mga kaklase sa kung paano ang tamang pagbabaybay ng salitang “bibliography”. Nakarating kami ng college nang hindi marunong magspell ng Tagalog words. Syet. Pinagtatalunan naming kung bibliyografia ba o bibliyogapiya. Bibliografia kapag bago lang ang salita at bibliiograpiya naman pag luma. Syet. Hindi naming alam kung luma ba ang salitang ito o ano.

Ito namang si Richard (napagkakamalan kong Raymond dahil sa magkapatid na Richard at Raymond Gutierez) humirit ng galit, “Putangina. Paano natin malalaman kung luma bay an o bagong imbentong salita. Putangina. Putangina. Putangina”. Ang “Putangina. Putangina. Putangina” ay sumisimbolo sa kanyang panggagalaiti. Natatawa ko dahil ayaw niyang tumigil sa pagsasalita at pagmumura. Nakakatawa. Para siyang sirang plaka. Ramdam naming ang panggagalaiti niya. Lumalabas na ang ugat nya sa leeg at anu mang oras ay alam naming magiging Taguro na siya na may 100 porsyentong lakas. Hahaha.

Nawala ang galit niya nang makita na naming ang kasagutan sa bibliography na yan. Hindi nap ala dapat baguhin ang pagbabaybay dahil ito ay salitang ginagamit sa academics.

Okay, balik 1 porsyentong lakas na si Taguro.

Alalay

Ako ay may alalay, Von ang kanyang pangalan.

Ang alalay ko ay parang aso, mukha rin siyang aso. Siya ang aking tagabitbit ng bag pag Monday (may PE kasi). Siya rin ang aking patner sa sayaw sa PE. At tuwing siya ay papalag sa aking mga utos, sipa at sapak ang kanyang aabutin. At kapag siya naman ay magkakamali sa sayaw at idadamay ako, sasabihan ko siya ng “Bobo” sabay tapak sa paa niya.

Kawawa siya no? Pero wala siyang magagawa. Mahina siya eh. Weak. Kamukha niya si Palitong yumao. Kaya mukhang yayao na rin siya kasunod ng kanyang idol na si Palito. Kasing payat niya ang kawayan, mukha pa siyang bakla. Kung ikukumpara sa taba ni Yen, siya ay braso lamang. Gusto ko siyang bugbugin. Pag pinagtulungan naming siya nina Ruby at Yen, siya ay sa kabaong na makikita.

Malayo pa lang, kilala ko na ang aking alalay. May dala siyang bag na walang laman kundi literal na notebook at ballpen lang. Wala syang kwentang tao. Sana hindi na lang siya naging tao. Ang silbi niya lang ay maging utusan ni prinsesa Ruby at ako at haring Yen. Isa siyang aliping sagigilid.

Skinny ang tawag naming sa kanya dahil sa kanyang pants na skinny. Nagskinny pa eh napakapayat na nga. Kitang kita lalo ang payat ng paa niya. Parang tanga. Bobo talaga ang aking alipin. Bob Ong Von na lang sana ang pinangalan sa kanya ng kanyang magulang.

Isa siyang malaking tagyawat na nagmutate at naging tao. Wala ang uri niya sa domains of life. Hindi siya bacteria, archean, protest, o plants. Alanganing hayop siya pero hindi rin. Isa siyang rare organism at ang mga kauri niya ay extinct na. Siya na lang ang natitirang tagyawat na nagmutate at naging tao.

Siya ang treasurer naming. Kurakot siya. Kapag may nagsosobra sa mga sinisingil niya ay inuuwi na niya. Yun ang inamin niya samin noon. Kaya hindi ako nagbabayad sa kanya pag naniningil siya kahit na lumuhod pa siya sa harap ko. Sinasabi ko na lang na “Wala!!Wala akong barya!” o kaya naman ay “ilibre mo na lang ako. Wala akong pera.” Alam ko kasing may sosobra naman sa singil niya at kukurakutin niya lang yun kaya buti na yung may silbi siya at siya na ang magbayad sakin.

Naaalala ko tuloy sa kanya ang isa ko pang aliping sagigilid sa Bulacan, si Ian kaso patay na siya ngayon dulot ng katandaan. Siya rin ang aking punching bag pero ngayon ay hindi ko na siya nasasapak dahil nagtatago na ang gagong yun. Si Ian ay may malapad at makintab na noo (nakakasilaw tulad ng araw).

Tayo po ay maglaan ng sandaling katahimikan para sa ikapapayapa ng kaluluwa ni Ian at sa ikapapayapa pa lang ng kaluluwa ni Von.

Maraming salamat po. You may now rest in peace.

Werewolf si Manong


Naglalakad ako sa may USTE kasama si Donya Ruby. Syet. May narinig akong kumahol, napadikit ako kay Ruby dahil takot ako sa aso. Nang makita ko yung katabi kong manong na naglalakad din, siya pala yung kumahol! Putangina, manong, pano mo nagawa yun? Para talagang kahol ng aso. Aminin mo, werewolf ka no? Pero bat hindi ka nakahubad at naka-maong na bitin lang (major major requirement ng mga werewolves). Dinaig niya pa yung sa Pilipinas Got Talent na nakakagaya ng sounds ng kabayo na mukhang kabayo din. Syet. Talent mo yan, manong, sali ka sa PGT.

Tapos eto pa, nung tiningnan ko si Manong, napatingin din siya sakin. Tae. Lakas ng pakiramdam. Werewolf ka talaga, manong. Aminin mo na. Pati si Ruby narinig ang pagkahol mo. Saludo kami sayo, manong werewolf kulang na lang umalulong ka dyan.

Alarm Clock sa CR


Maghihilamos sana ako pagkagaling sa school nang makita kong may kakaiba sa basket ng kasama ko sa dorm. Syet. Bat may alarm clock dito? Inoorasan niya ang pagligo niya? Ang O.A ahh. O baka naman nagaalarm clock siya dahil natutulog siya sa loob ng cr? Popo. Pauso. Kaya pala siya nagaalarm clock nung tinanong ko siya ay inoorasan niya ang pagpaplantsa niya ng buhok (ayaw niya kasi ng buhok niyang Ji Hoo kaya inuunat niya) baka daw kasi malate siya. Pede namang sa cellphone na lang???

Anyway, makwento ko lang. Alam niyo bang may saksakan ng kuryente sa loob ng cr namin? Gusto na ata kaming patayin nung nagdesign ng cr namin. Bat naman niya lalagyan ng saksakan yung cr edi nangisay kami dun o kaya sumabog ang buong dorm ko. Ano yan joke? Display lang yung saksakan ganon? Tinetemp ka lang na magsaksak ng appliance dun nang sa ganon makapiling mo na si God? Pag yan may tangang naisipang saksakan ng charger, wag niyong pagbabayarin sa pagsabog ng buong dorm eh nilagyan niyo ng saksakan yan eh. Ginusto niyo yan eh.

Monday, August 23, 2010


Prinsesa ng Tricycle.lol.

Bitter ako

Ang pagmamahal ay parang pagbabayad ng pamasahe sa jeep at pagkatapos ay kalahati lang ng pwet mo ang makakaupo.

Minsan ka na nga lang maiinlove, syet, palpak pa. Nag 100 poryentong lakas ka parang si Taguro tapos hanep, pagpapalit ka pa (o, sige, hindi pinagpalit, nakikipagflirt na lang pala sa iba...much better?)

Siya ang puno't dulo ng blog na ito pati na rin ang pagiging bitter ko.

Inis ako sa kanya pero patuloy pa rin ako sa paggawa ng mga blog na tungkol sa mongoloid na yun. Inis ako sa kanya pero naiisip ko pa rin ang unggoy na yun.

Bat ba kasi ganon? Unfair. Talo ako. Kelan nga ba ko nanalo? Ayon sa sarili ko, nagbigay ako ng 100 porsyento ng lakas at siya naman nga 70 porsyento at yung natitirang 30 porsyento ay sa punyetang babaeng yun (sorry sa word, nageexpress lang ng galit)Hindi ba pedeng sakin na lang din yung 30% na yun?

Hoy! Hindi ka karapat dapat pagaksayahan ng panahon! Pero bakit sumusulat ako ngayon ng tungkol sayo sa kalagitnaan ng gabi (ay, umaga na pala)? Sasabog ako sa inis, panghihinayang, at pagkamiss sayo pag hindi ko nailabas to. Malakas ang loob kong isulat to dahil alam kong hindi mo babasahin ni isa sa mga nasulat kong blog dahil tamad kang magbasa.

Feeling ko wala akong kwenta. Naawa ko sa sarili ko. Ang hina ko. Nagpapatalo sayo.

Nang maghiwalay tayo, mga nasa outer space ang galit ko sayo pero ngayon nasa stratosphere na lang siguro. Bakit nga ba galit ako sayo? Aba, syet, hindi mo alam? Eh hindi ka lang naman naging loyal sakin???!!! sapakan na! Nakikita mo yang slash sa noo mo? Paulit ulit ko yang ipupukol sa edge ng pader niyo hanggang sa magdugo! Sana kaya kong gawin...dahil hanggang ngayon may parte pa rin ng AKO na umaasa na maging TAYO pa ulit.

Alam niya ang password ko sa FB at ako naman si tanga hindi pinapalitan. Binubuksan niya pa rin ang account ko, nahuli ko siya. Ibig sabihin kaya nun concern pa rin siya sakin? Gusto kong umasa. Malamang nakita na niya ang mga kalokohan ko sa FB. Meron ding bahagi ng AKO na gustong gumanti SAYO.

Natatakot akong iview ang profile niya dahil baka may makita akong ikasasakit ko lang.

Oo nga pala. Alam ko din password niya noon sa FB ah. Nalimutan ko kung ano password niya! syet. makakalimutin ako. Pinalitan niya na ata noon tapos hindi ko na natanong kung ano. Kung ano man yun, wala na kong interes malaman.

Meron ngang time na nawalan ako ng inspiration sa paggawa ng blog...siguro dahil sa kanya. Ngayon nakita ko may post siya na wala daw siyang inspiration sa pageedit ng pic (kaartehan niya)..I hope pareho lang ang dahilan namin pero mukhang hindi...impossible.

Ngayon, masasabi niyo pa bang bitter ako?

Ang pagmamahal ay parang pagbabayad ng pamasahe sa jeep at pagkatapos ay kalahati lang ng pwet mo ang makakaupo pero darating din na makakaupo ka rin ng matino at kung hindi naman, malas mo na lang c:

Singkong Duling, Buhay pa pala!



Bumili ako ng cookie mirror (ginaya ko kay Nadz) sa clipper, ang cute kasi. Hahaha. Inggit din ako kay Nadz. Nagbayad ako tapos nagulat ako sa sukli nila, dalawang 10 centavo at isang singkong duling!!! Syet. Akala ko extinct na kayo!! Buhay pa pala kayo!!! Pero wag ka, nung bata ako ginagawa kong telescope yung singkong duling..hahahahah..

Sorry, Lord

Masaya akong nagsosoundtrip ng mga kanta ng Romance on a Rocketship habang naghahanap ng lalagyan ng tubig sa SM department store. Paikot ikot ako sa loob kasi hindi ko alam kung san ba nakalagay yun.

May napansin akong kakaiba, walang masyadong tao. Wala akong nakakasalubong na naglalakad. Eh dati ang dami laging tao dun. At ang weird pa, yung mga saleslady hindi gumagalaw at hindi lumalapit sakin (diba karaniwan na yung lalapitan ka ng saleslady at sasabihan ka ng kunga ano ano na hindi ka naman interesado sa mga sinasabi niya kaya lumalayo ka na lang). Lahat ng mga saleslady at iba pang mga taong nakatayo lang at naistatwa ay nakatingin sakin. Bakit kaya? Lahat talaga hindi gumagalaw, nakatayo lang. Feeling ko pinagtritripan ako ng mga to o kaya naman ay nasa Wow, Mali ako. Syet. Ano bang problema? Masyado ba kong maganda (ang kapal) kaya natutulala na lang kayo.

Snob na lang ako sa mga nangayayari, patuloy lang ako sa paghahanap ng baunan ng tubig. Umakyat ako sa 2nd floor, hanggang sa scalator nakatingin sila sakin. Naiinis na ko. Anong bang meron sakin!!!!!! Wala namang mali sakin ah. Matino pa naman ichura ko. Anu berrrrr!!! Rawr.

Natapos na yung Dancing on your grave, kanta ng romance on a rocketship na pinapakinggan ko pagpasok ko ng department store. Nagkaron ng sandaling katahimikan sa aking mundo. At may naririnig akong nagdadasal. Hindi naman kanta sa cellphone ko yun. Ay, syet. Nagdadasal pala sa loob ng department store. Napahinto ako at napa-syet. Kaya pala nakatingin sila sakin. Iniisip siguro nila na napakabastos kong bata. UST pa man din ako, catholic school tapos hindi ako humihinto sa paglalakad habang nagdadasal. Ang bastos ko! Sorry, Lord. Hindi ko naririnig, nagsosounds ako. OMG! Sorry, Lord at nagambisyon pa ko na napakaganda ko kaya sila nakatingin sakin. Sorry, Lord.

Ang payo ko, wag magsosoundtrip habang nasa SM department store baka oras ng pagdadasal.

Sunday, August 22, 2010

Killer Bus Ulit


Sakay ulit ako killer bus. syet. nakatayo ako buong byahe. ayoko ng magsalita pa. pagod na pagod ako pero buti yung ngayon hindi masyadong harurot. woo! hindi nabugbog ang pwet ko hindi tulad nung isag pagsakay ko sa killer bus pero ngayon naman nangawit ako. inisip ko na lang nagsusurfing ako at kailangan kong hindi matumba sa alon.haha.ito ang itsura ko pagkatapos ng pamatay na byahe.

The Killer Bus

Gabi na kami umuwi ng Bulacan ng nanay ko. Edi sakay kami ng bus. Dala ng nanay ko yung maleta kong malaki. Natatawa ako kasi lahat ng daanan ng nanay ko paupo ng bus, binura niya ang mukha dahil sa laki ng bag na dala niya. Talagang wala siyang pake, may tamaan man o wala. Ako naman naawa sa mga pasahero kaya inayos ko pagdadala ni mommy ng bag. Haha. Pero natawa ako sa reaksyon nung isang matanda na nasagasaan ng bag ni mommy. Haha. Sana mapakita ko sainyo kaso hindi ko nakuhaan ng picture. Hindi ko rin madescribe. Kasalukuyan akong tumatawa ng ginawa ko to. Hahaha. Yung matanda kasi nakasibangot tapos tinutulak palayo yung bag ni mommy. Galit na galit yung matanda. Haha.

Gusto ko talagang nagtratravel o maggala o magadventure with Ruby kasi nakakaisip ako ng ibloblog. Para kasi sakin, pang pawala ng stress yung paggala.

So, ayan nakaupo na kami sa bandang likod. Biglang humarurot yung bus. Nagsosounds na ko nun pero rinig ko pa rin yung lakas ng engine ng bus. Syet. Hindi ko na maintindihan yung pinapakinggan ko. Halos sumubsob na ako sa bilis ng takbo (lipad pala) ng bus. Nagplantsa pa ko ng buhok magugulo din pala dahil sa bus na to. Tae. Burado ang mukha ko. Susme! Pagkababa ko siguro ng bus mukha kong nirape. Tae.

Hindi ko na makuhang tanggalin ang headphones sa tenga ko dahil hindi ko naman maintindihan ang pinapakinggan ko. Wala pa kami sa NLEX pero harurot na ang bus. Para kaming mamatay. Inover takean na niya lahat ng pwedeng overtakean. Tae! Lumipad ka na kaya, manong? Natatae ka siguro? How’s your driving? How’s his driving ? How’s his flying?

At ito na ang kinatatakutan ko, nasa NLEX na kami. Pusang gala. Parang matatanggal ang buhok ko sa sobrang bilis at lakas ng hangin. Sabay hihirit ang nanay ko: Mukhang libre na tayo ah. Hindi pa tayo sinisingil ah. Sabi ko: Buhay naman natin kapalit (hindi ako nag-“oopo”. Bastos ako eh. Pero para sakin yang opo opo na yan parang boundary para maging close sa mga matatanda kaya I decided to break the boundary. By the way, hindi rin ako gumagalang sa mga matatanda na hindi dapat igalang kasi para sakin, kung gusto mong igalang kita, igalang mo muna ang kapwa mo mapa-bata man o matanda dahil pantay pantay lang naman tayo, edad lang naman yan. Kaya lagi akong napagsasabihan ng mga mas matatanda sakin na bastos pero yun ang prinisipyo ko, irespeto niyo ang prinisipyo ko. Hala, nagsermon??)

Okay. Nakauwi naman kami ng buhay. Pagkasakay naman ng jeep. May nakasabay kaming matanda na hip hop. Nakasumbrero pa ng jejemon yung matanda habang kumakain ng lansones (yung grapes na kulay flesh. Di ako sure kung yun nga ang tawag dun. Di kasi ako kumakain nun). Siga si lola, tinatapon lang sa bintana at sa sahig mga pinagbalatan niya ng lansones. Haha. Tapos lumagpas pa si lola, yan kasi, kain ng kain. JOKE. Hahaha. Siguro kasi malabo na mata niya tapos madilim pa (ramdam kita, lola, wala rin akong masyadong nakikita pag gabi)

At kinabukasan, ang sakit ng pwet ko. Dahil sa pagbobounce sa killer bus??haha..Hindi ako makaupo at makatayo, parang nirarayuma. Nagkapasa pa. grabe talaga!!!

Technicolor Phase

Habang gumagawa ako ng assignment naming sa Theology, nakikinig ako sa mga kanta ng Owl City (pampainspire lang…) Tapos bigla ko naisip yung ex ni Nadz, sinabi ko biglang balikan niya na lang yun, wala lang, hindi ko alam kung bat ko nasabi yun sa kanya. Feeling ko kasi mas better yung para kay Nadz pero hindi niya ko pinaniwalaan (as usual). Pinilit ko siya talaga.

Ako: Tingan mo pinaghirapan ni Toot yung perang pampunta niya dito (sobrang layo kasi ng ex ni Nadz…super!)
Kinumbinsi at inurat ko pa siya….Wala rin nangyari. Kahit anong pang-uuto ko nagayuma na siya nung present niya. Pusang gala.
Ako: Pag hindi mo napangasawa yan [present niya], papatayin kita.
At ito na nga, napunta ang usapan naming sa pag-aasawa.
Nadz: 16 pa lang ako bat ba pinoproblema mo pag-aasawa ko
Ako: two years na lang yan. Ay oo nga. Two years na lang. tae. Baka tumanda na kong dalaga. Tae. Nakakaiyahk. Ayoko!
Narealize ko with matching background music na kanta ng owl city, syet. Ayokong hindi magka-asawa pero parang nararamdaman ko na tatanda na akong dalaga. Tae. Naiiyak ako (seryoso). Ayoko kasing mamatay mag-isa. At pusang gala, nabasa ko text ni Nadz, panira ng moment.
Nadz: anong oras ka punta [sa kanila]?
Ay, syet. Ganda ganda ng pag-iisip ko sabay ganyan hirit. Tinatamad nga ko eh! Sakit pa ng pwet ko dahil sa killer bus na nasakyan ko kagabi. Tae.
Ako: di pa nga sure na pupunta ko eh (pinapapunta niya ko kasi nagpapapasa siya ng kanta ng romance on a rocketship. Tae. 55 pesos kaya pamasahe papunta sa kanila ng balikan. Sana kung libre niya eh. Bundok kasi bahay nila eh. Sana kasi pede magbluetooth kahit napakalayo eh!)
Nadz: Pumunta ka na! Sasapakin kita pag di ka pumunta
Ako: Pano mo ko masapak eh di nga ko pupunta? (bobo ni Nadz. Para namang papakita pa ko sa kanya. haha)
Nadz: susugurin kita sa uste.
Ako: Kung kaya mo.
Nadz: Ewan ko sayo (nagalit? Sige na nga, pupunta na. pucha. Sapilitan? Aambush ko na lang siya tutal gusto ko na rin naman makita mga aso nilang nanunugod)
At bigla na lang…tumugtug yung kanta ng owl city…ay syet. Parang alam ko tong kanta na to. Ito yung kanta nung orientation, nung nakilala ko si Pedro (basahin niyo sa Manlalaki tayo wooo! Part 2 para makilala niyo si Pedro). Tae! Tagal ko ng inaalam title nun meron pala akong kanta nay un. Syet. Theme song naming. Ang title pala, Technicolor Phase. Tae. May pag-asa pa kong hindi tumandang dalaga. The best talaga owl city!!!

At syet, hininto ko paggawa ng assignment, sabay sulat ako ng blog na to (tinatamad kasi ko pag tumatagal sa utak ko yung isusulat ko.) Sorry, sir, sinakripisyo ko ang paggawa ng assignment para lang dito. Hahaha.

Friday, August 20, 2010

Owl City


Pag galit ako (galit talaga), lagi ko lang pinapakinggan mga kanta ng owl city, lalo na yung If my heart was a home, Vanilla twilight, Strawberry Avalanche, Tips of the Iceberg..lahat! Try niyo pag galit kayo, mawala talaga galit niyo.Owl City Official site(try to listen):http://www.owlcitymusic.com/music.aspx Haha. Pangpakalma ko yan lalo na pag may kinaiinisan ako or may problema or pag haggard tulad ngayon, nagkanda leche leche buhay ko dahil sa mga cellophane. Gumawa kasi kami ng stained glass kuno. Nasugatan pa ang partner ko sa cutter, siya na gumawa ng lahat dahil isa akong INUTIL. Hindi talaga ako magaling sa arts na ganyan ganyan. Nagguiguilty ako dahil ala akong maitulong sa kanya. SORRY talaga. May partner kang mangmang. Gusto kong tumulong kaso palpak naman, baka masira ko pa. OMG. sorry. :c

Sunflower


Ito ang gusto kong ipaint sa kwarto ko pag may bahay na ko C:

Hindi na Kasama si Logan sa mga Pogi

Oo. Pogi si Logan pero iba ang ugali niya. tae. Friend ko na siya sa Myspace. Ang masasabi ko lang, iba talaga pag Kano, masyadong liberated. tae

Saklolo




OMG. I need your help. Hindi ako makapagdecide kung magpapagupit na ko dahil tuwing titingnan ko ang buhok ko parang isang malaking split ends!!! Nakukunsume ako. Tae. Saklolo! Kaso ayoko namang magpagupit kasi parang hindi bagay sakin yung maigsi (yung 2 pics na nasa baba) at sabi ng panginoon kong si Nadz, mukha daw akong bata pag maiksi ang buhok ko. Pag kasi hindi ako nagpagupit, papacellophane ako para matakpan ang mga lecheng split ends! Pag nagpagupit naman ako, anong klaseng gupit or yung maiksi na lang ba ulit? Ui, any suggestion? I need your opinions. Pm niyo ko or maglagay ng suggestion sa chat box ko or magcomment sa post na to. Thanks c:

Nosebleed


ATP..redox..electron..photon..NADPH…RUBP...mesophyll… pusang inakay! Ano itoooooooooooo!

Wala akong naiintindihan. Grabe. Overload.

Para akong sinapak at nawala sa sarili o kaya naman para akong isang kawawang manok na dinadasalan ng mga sinaunang tao. Daig ko pa ang nawala sa ulirat.

Discussion noon ng capturing & releasing energy with Sir Garcia (bow ako sa teacher na to dahil super talino niya sa Biochemistry). Dumugo ang ilong ko. Sumabog ang utak. Lumuwa ang mata. Naihi. Tumulo ang laway. Hirap na hirap ako intindihin ang lesson dahil wala akong maintindihan!!!! Parang ang naririnig ko lang ay “vsdghfvlsfhvgdgfhdfsgfgaefdfhhwsetrqeyriygehghgdsgfyed” gets mo???

Oo. Alam ko kailangan ang Biology sa course ko kahit papano (Accountancy course ko) pero sana wag na naman ganito kabigat ang lessons or kung ganito kabigat, sana alam ko yung mga terms na naririnig ko, para kasing salitang alien eh. Mas matindi pa to sa joke na “Bababa ba?”

Sabi sa book ko, Biology: Today & Tomorrow Biology for NON-SCIENCE MAJORS…hello, author ng book ko? Hindi science major? Eh para nga kong nagmamajor sa Bio eh. Oo. Gusto ko ang Bio pero wag lang Chem, kaso sa malas ko modern na daw ang Bio ngayon, intergrated na sa Che, ek ek!

Oh, Lord. Hahanap na lang ako sa net ng mas simpleng explanations para makacope (walang “up”…mali daw yun) ako sa klase.

Planong Carnapping Nauwi sa Pagkakasaksi ng isang Milagro



Kasalukuyan kaming nagaadventure ni Dona Ruby nang mapadaan kami dito. Ang daming koche! Carnappin ko kaya lahat to. Want-to-sawa na ko sa koche nun!! At eto…nagpicture pa ang lola mo, parang ang yaman! Ambisyosa! Oi…stolen lang yan ahhh..hahahaha. Pagkatapos naming magpic, napadaan kami sa isang koche na bukas ang bintana (Carnappin na!!!!), nakaharap ako sa koche habang si Ruby chumichika sakin. Pagkatapos sa bandang likod ng koche, may nakita akong gumagalaw na dalawang tao (tae.parang may ginagawa silang milagro sa loob) tapos pagkatingin ko sa unahan, may lalaki, nakita niyang nakita ko ang mga pangyayari..nakupo! sabay talikod ako at binilisan ang lakad.

Ito namang si Ruby, gusto pang bumalik dahil hindi niya raw nakita. Pusang gala! Magkakasala ka pa pag nakita mo eh! Anu ba naman kasi yan, bat kasi sa koche at bukas pa ang bintana! Sus maryosep!

Ang iba pang nangyari sa amin nang araw na ito ay makikita niyo sa blog ni Dona Ruby. Ito ang link sa kanyang blog: Misadventures with Macasieb -- wag kayong tutulad sa kanya na binastos ang apilido ko.

Monday, August 16, 2010

Manlalake tayo. Woo! Part 2





Okay okay…punta tayo sa mga non-celebrities pero ampopogi!!!

Si RJ. Nakilala ko siya nung press con. Feature writer siya. Ang saya! Ang pogi pogi niya. Ang bait pa! Recently, nakita ko sa profile niya sa FB, kulot na siya! Kamukha niya si Jun Pyo pero mas gusto ko pa rin yung dati. Masasabi kong matalino siya, nakapasa siya ng Ateneo at UP Manila eh (san ka pa?) BS Pharmacy course niya. Marunong din siya ng photography. So, yun lang, tinatamad na ko magbigay pa ng mga facts.

Si Logan Clark. Para siyang hindi tao, pero tao siya perpekto nga lang. Ang pogi niya! Ang cute niya! Ang ganda niya! Actually, siya nga ang wallpaper ko sa cp kahit hindi ko naman talaga siya kialala. Friend lang siya sa myspace ng friend kong ulol na si Nadz. Pinapasa ni Nadz lahat ng mga pics niya sa myspace para pagnasahan naming. Ang gwapo gwapo! Naiihi ako sa kagwapuhan niya! WOOO! Sana Amerikano na lang din ako para kahit papano may chance ako sa kaniya. Ang layo kasi naming eh..tae. Tapos nung nakita ko yung playslist niya sa myspace, meron dung band na Romance On a Rocketship. Nagustuhan ko yung mga kanta nila nung sinearch ko. OMG!! Baka compatible kami…hahaha..naks!

Ito yung mga nagustuhan kong kanta na probably alam niya din:
Dancing on your grave - Romance on a rocketship
The Scientist – Romance on a rocketship
With or without you – Breathe Carolina

“I had to make a new myspace because i got sick of people stealing my pictures,” Sabi ni Logan aw….isa ko sa mga nagsteasteal ng pics niya at ginagawang wallpaper. I’m so saaaaaad :c

At medyo mayabang at snob din siya. Haist! At Pansexual daw siya (parang open siya sa lahat ng sex: girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy). Pero sabi niya, “If i want to give you my number then i will,” haay… asa naman akong bibigyan niya ko ng number niya :c di ko siya mareach! Masyadong gwapo.

Then…si jang geun suk – nasa hwang jinni (siya yung batang bidang boy, di ko lam pangalan) at he’s beautiful siya (siya bida, malamang!) Isearch niyo na lang…tinatamad na ko!! Anyway, sobrang cute niya sa He's Beautiful sa ch.2, pinapalabas na yun ngayon. Sana nga asawa ko na lang siya eh. Ang pakipot niya kasi pero bibigay din pala. ito music video: maiihi kayo sa kilig kaso sana maintindihan niyo! Click here para mapangasawa niyo si Jang Geun Suk :)

then, last si Pedro (hindi ko siya kilala kaya Pedro na lang) Gwapo siya. Nakilala ko siya nung orientation. Meron kasing attendance na papapirmahan tapos ako binigay ko sa kanya sabay binawi ko kasi meron pala siyang katabi na dapat yun muna. tapos siya sabi niya, "aw..". nabastos ko siya. kawawa. hindi ko alam name niya pero nakikita ko siya. BS Pharmacy din course niya tulad ni rj.

Astig na Car!


Ang astig ng car. Kamukha nung yellow Porsche ni Alice sa New Moon. Nice. Gusto ko magkaganyan pag nagkatrabaho na ko or pag hindi ganyan, black na ganyan na mukhang panglalaki. Wala lang, ang cool kasi pag yung car black eh, parang basta!! Gusto ko yang ganyan kulay. Tae. Regaluhan niyo nga ko!!

Ang Aking First Yogurt Experience




Ngayon, August 17, 2010, ang una kong pagkain ng yogurt. Naisipan ko lang biglang. Sa halagang 70 pesos (ang mahal) nakatikim ako ng yogurt.

Ang inorder ko sa froyo zone (ui…advertisement yan! bayaran niyo ko!), yogurt na may chocolate syrup kasi fav ko chocolate! Yun lang naman gusto ko sa lahat ng flavors eh. Hindi ako kumakain ng ibang flavor (minsan cookies & cream).

Sa aking first bite, syet, ang asim pala. Kala ko matamis kasi mukha siyang sundae eh..hahaha..sana nagsundae na lang ako pero ok naman, masarap naman pero hindi kasing sarap ng ice cream (cookies & cream lagi gusto kong flavor), sundae (sa McDo lang dapat hindi sa Jollibee..omg! may naalala ako, kainis), pizza (Hawaiian dapat), at fries (sa McDo lang din dapat). Yun kasi mga comfort foods ko. Masarap yung yogurt pero parang hindi ako nasisiyahan eh. Hahaha. Di tulad pag sa mga comfort foods ko.

Ako na si Juday



Nagkita kita kami ng mga friends ko sa Bulacan. At ito ang pambungad nila sakin: ANG TABA MO NA.

At ito pa ang mga kasunod:

-Oo nga (sabi ni Khate nung sinabi ni Dar na ang taba ko na. Bakit, khate? Parang hindi tayo nagkita a day before nito ah. Bat ngayon mo lang narealize? Super delay ang reaction ah. Aabutin ng one day?)

-sabi ni Dar, “kamuka mo si Squidward” (Squidbirg ang tawag k okay Squidward bago pa ko icorrect ni Dar sa totoong pangalan ng pusit sa Spongebob) Squidward na kumain ng madaming Krabby Patty at napunta lahat sa mga galamay niya – ganyan ang description nila sakin

-nagpa-inject daw ako ng butt, sabi ni Madz. Ay bastusan. Natural yan, hoy!

-At ang pinakamasakit sa lahat, kamukha ko daw si Juday, sabi ni Dar. Susme! At kinamusta pa sakin si Ryan. Aba, malay ko! Pinatay ko na! Kahit kelan hindi ko naging fan ni Juday, bat siya pa? bakit. bakit.

Dati braso lang ang mataba sakin bat ngayon pati hita at butt na. Ano ba yan! Gusto kong tumaba pero bat ganon, paisa-isa ang pagtaba ko.

Wala naman akong masyadong kinakain pero bakit ako tumaba. Minsan lang naman ako nagtotokyo Tokyo at maximum of three rice lang ako dun. Pag hindi ako sa Tokyo Tokyo, sa bahay lang, one rice. Hindi rin ako madalas nagmemerienda pero mahilig ako sa sweets. Nakakatalino daw yun eh. Sabi ni L.

Share ko lang, isa pang nakakatuwa sa pagkikita naming ay yung 4 na kaming nagmumura. Dati kasi ako lang, minsan si Madz. Yey! May karamay na ko.

Para naman kasi sakin yung mura ay paglalabas lang ng galit. Buti na yung salita lang kaysa sa gawa. Macoconsider pa nga siyang art kasi ineexpress mo yung sarili mo sa pagmumura. Kasi pag sinaloob mo lang yan, baka bigla ka na lang sumabog na parang bulkan at umulan ng maliliit na nagaamok na ikaw (parang maliliit na Ma’am Leora lang sabi ni Nadz. Si Ma’am Leora ay ang aming Math at Physics teacher na bigla bigla na lang nagagalit.)

Our Appreciation

Sobrang natutuwa ako dahil may nakakaappreciate ng blog ko. 2 na followers ko!! YEHEY! Hahaha..nauto..special mention sa follower (nauto ko) Ruby & Josh (tama ba pagkakaalala ko sa name mo?) Anyway, di ko talag kilala si Josh, friend ko lang siya sa fb and pareho kami sa Bulacan. Magkapit bahay ang school naming before (rivals) pero hindi ko talaga siya kilala, stranger ba pero finollow niya pa rin blog ko! Thanks sa appreciation, natouch talaga ako. Ang babaw ng kaligayahan ko, tae.

Para kasing ganito:

I= blog

Therefore, naappreciate niyo din ako. All my life, friends and family ko lang alam kong nakakaappreciate sakin (don’t ever dare to say na naapppreciate ako ng ex ko b’cause I won’t believe you!) Hindi birong magbasa ng mahahabang ek ek. Maski ako wala akong tyagang magbasa ng mga ek ek. Para patunayan yan, pag gumagawa ako ng blog ko, hindi ko na siya binabasa ulit at hindi ko na ineedit dahil TAMAD AKONG MAGBASA. Kaya kung may typo, pasyensya.

Gusto kong bigyan ng SUPER HUG ang mga readers ng blog ko (including readers ng title ng post lang)! OMG! Natutuwa ako. Supposedly, kahapon ko pa to ipopost dahil nakita kong 2 na followers ko it just happened na nahilo ako (hindi ako buntis. Gutom lang ako. Gutom.)

Syet. Ang O.A ko para namang ang daming followers. Kala niyo. Pag ako kumita na dahil sa blog ko (mga 50 after…or maybe never). Thanks!

Nga pala, sa nagrerequest ng larger font size, wait lang aaahhh…ngayon lang ako sinipag gawan ng aksyon yan.

Thursday, August 12, 2010

Para sa Mga Nagbabasa ng Blog Ko

Salamat sa pagbabasa, pagcocomment, at panguurat :) Sige, basa pa kayo. Pero sana naman wag lang kayo basa ng basa, ifollow niyo naman blog ko. Ano kayo? Mahiya nga kayo. Nakikinabang kayo ehh...Hahaha..Tingnan niyo nga isa lang nauto kong follower. Susme! Ifollow niyo ko kundi uubusin ko lahi niyo.

Mga Gaya Gaya


Gaya gaya puto maya..paglaki buwaya

Despicable Me :)


So cute! Pano niya kaya nagawa yun??Tnry ko hindi ko kaya. Sana ganyan ako kacute..hahaha...It's so fluffy I'm gonna die!

Lady Gaga: Illuminati Puppet


Pakibasa tong link na to. It's all about lady gaga as a mind controller and kinocontrol niya tayo through his songs and music videos. Fact or Absurd Falsity?? Tell me your opinions.

Ang Mahal kong Napoli Noong Friday the 13th


Last March 13, Friday noon, sinasabing malas ang araw na yun. Malas nga talaga. Bakit? Pasahan ng web site noon kay Ma’am Sazon at lahat ng Napoli (section ko nung 3rd year HS) ay wala pang nagagawa kaya lahat kami ay nagsleep over sa kanya kanya naming mga kagroup.

Lahat walang tulugan (pero samin si Khate lang ang gumawa..hahaha) para lang matapos ang web site, project kasi ata yun tapos pag wala nun di makukuha ang lintik na pasakit na clearance na pwede namang isang pakwan lang ang kapalit.

Ang Dota Boys, Charmz, Papercut, Felon, at Skarfz (kami yun!) kanya kanyang gawa ng website. Mga tipong umaga na hindi pa rin tapos sa kakagawa (si Khate lang ulit gumawa nun samin!).Haaayy… Ang resulta ng matinding pagpupuyat nito ay mga zombie na Napoli. Mga tipong mabagal maglakad, mabagal magsalita, pasuray suray, inaantok, at parang may hangover, lahat kami ay nagging BOY MALATA noon. At si Boy malata (si Miggy) mas lalong naging SUPER BOY MALATA. Para kaming slime na pag nakaupo ay mahuhulog na lang (demonstrate mo nga, Marc).

Patay lagi ang ilaw ng classroom para masarap matulog kaya tuwing may papasok na teacher magsasabi na lang ng “Anong meron?”. At naaalala ko pa na si Cyreen lang at si Norman ang laging sumasagot sa tanong nay un. Sabi nila, “Puyat po.” So kailangan kayo lang ang sasagot tapos kami magsasabi lang ng “Oo nga po”?

Hindi umattend ng flag ceremony ang Skarfz (kami ulit!), Dota boys, Felon, at Charmz kaya ang Papercut lang at ilang mga masunuring nilalang ang nandun. Mga nasa 10 out of 32 lang siguro sa Napoli ang nasa flag ceremony.

Haaayyyss… kawawang Lupang Hinirang at Liceo Hymn halos wala ng kumakanta. Bat ba kasi araw araw ang flag ceremony? Paulit ulit? Paulit ulit? Paulit ulit?

Habang lahat kami ay mga zombie at mga disoriented, buti naawa si Ma’am She (teacher naming sa Chem) na wag na magturo. Yes! Lahat kami ay tulog at wala kang makikitang Napoli na nakatambay sa stairs na “nagsisight seeing” at mga girls na punta ng punta ng CR na may “dinadaanang mga tooot”, at mga Napoling kumakain sa canteen di man lang manlibre.

Parang ordinaryong araw lang ito kay Wax at Migz. Kelan ba sila nagising? Kalahati ng buhay nila tulog sila. I miss you!

Nakakamiss ang pagiging high school. Nakakamiss ang pagiging Napoli.

Akala ko noon hindi ko mamimiss ang Napoli, ang Cullens lang (samahang nagsosolo). Nagkamali ako. Kahit ano pang alitan at sama ng loob masasabi kong naging masaya pa rin ang high school ko dahil sa inyo. Syet. Naiiyak ako. Akala ko magiging bitter pa din ako sa inyo habang buhay. Hindi pala, nagkamali ako.

Akala ko hindi ko mamimiss ang pagtataray ni Ida? Hiyaw nila Kariza, Liezel, at Lhen. Tili ni May (claaaasssfuuuuunnd!). Paghahanap ni Mon sa kanyang gunting (nahanap na kaya niya?). Pagmumura ni Sam at ako. Panggagagong comics ni Nadz. Pagtulog ni Wax. Pagsasabi ni Migz ng “nakakatamad eh”. Pagkanta ni Bino (magaling ka na? ang kulit ko.haha). Pagtatanim ng camote ni Cedrick (peeacccee). Pagsasabi ni Vlad ng kung anon a siya lang ang nakakaintindi. Smile ni Tatiana at Keng. Pambubugbug ni Sam kay Mon. Pagpatay ng sunog ng bumbero nating si Jervin at Marc. Pagsasayaw ni Krissia ng mala-Marian Revera???

Hindi na ko makakahanap ng tulad niyo. Ngayon, sa block ko, hindi ako ang ako talaga (nagets mo?) Hindi ako makapag-PUTANGINA ng outloud. Hindi ako nakakahiga sa sahig. Hindi ako nakapangbubugbug (Wax, magkita tayo, pasapak lang isa). Hindi ako makapagwala pag kinikilig ako. Hindi ako makapang away at makapang bara (haaayyy…namimiss ko yung mg binabara ko lagi)Hindi ako makapang gising ng tulog. Hindi ako makapang asar. Hindi ako makabanat ng joke na GREEN (Cullens, alam na?hehe hindi ako makapag level up. Lol. Level up ako sa Sunday.) Hindi ko mabugbug si Nadz, joint forces with Dar pag ala siyang belt. Hindi ko malabas ang tunay na ako.

Masasabi ko lag sa mga kablock ko ngayon, hindi ko pa naipapakilala sa inyo ang buong ako, part lang ng pagiging ako. Hindi ko sinasabing pinaplastik ko kayo.

Gusto ko kayong makita ulit, syet. Reunion naman oh?

Umagang umaga pagkagising ko ginawa ko na to ah. VIP kayo. Tae.

Goldilocks


Ang cute ng hair. Sarap kainin! Gusto ko rin paganyan :) Ang cute. sobra! Di ako natitibo ah. Nagagandan lang ako sa buhok. Parang isa siyang taong buhok (tawag sakin ng nanay ko).

babae o lalake? pustahan.


Astig ang hair!!syet. kaso di ko malaman kung boy ba siya o girl. Boy siya. Nakita ko profile niya, macho nga eh. Ang ganda niya!!!

Tribute to Nadine Flores


Kamuka ng mg drawing ng pumanaw kong kaibigang atheist, Nadine Flores. Musta heaven??hell ata dapat??

Paper Elephant

Ang galing nito oh. Parang kulangot lang. Pano niya kaya nagwa yun eh ang liit liit? Ang cute. :)
Source: deviantart.com

Ang Aking Professor

Pasyensya na malabo. Ito ang larawan ng aking professor. May 12 siyang anak kaya kailangan talaga niyang magsikap sa pagtuturo kundi wala siyang ipapakain sa mga anak niya. Nakatira siya sa may Navotas. May payak na pamumuhay at may pangarap. Kasalukuyan siyang nagsasagot ng seatwork na ipapasagot niya saming mga estudyante niya.

Monday, August 9, 2010

Kwentong barker

Tuwing makakakita ka ng isang jeep na nakahinto, asahan mo sa tabi nun may barker na sumisigaw ng UST Espana Lacson. Karaniwan silang lalaki pero minsang may babae din. Malakas ang boses nila. At pag napatingin ka sa kanila o lumapit ka sa jeep pipilitin ka nilang sumakay kahit na hindi ka naman talaga dapat sumakay doon.

Paborito rin nila ang linyang “Maluwag pa…maluwag pa…” Kahit na ang katotohanan ay halos magkandungan na ang mga pasahero. Naghalo halo na ang pawis, putok, at baho ng mga katabi mo sa jeep.

Isa pang common sa mga barker ay lagi silang galit.

Mayroon akong kilalang driver (madalas ko siyang nakikita) na pag hindi ka sumakay sa jeep na iniendorce niya, sasabihan ka ng “Ang arte mo!!!” – exclamation talaga. Oo, nabiktima na niya ko. Mga dalawang beses na. Kuya, wala namang pilitan. Wag mo kong pilitin na sumakay kahit punong puno na at ¼ na lang ng pwet ko ang makakaupo (1/4 pwet ko = 1/100 pwet ni Ricka). Ang bawat consumer ay may karapatang makapagdesisyon at mamili (batay sa Consumer Act of the Philippines).

Minsan na kong nasakay sa jeep kahit na masikip na dahil sa takot kay Manong. Nangawit lang ako. Para akong nakasquat. Tapos pinagbabayad pa ko ng 7 pesos (kasi sabado nun). Aba. Sana sumabit na lang ako! May free na 100 percent pollution pa.

Favorite line din ni Manong ang “Konting usog lang ho!!!!! Para makaalis na kayo!!!!!”. Kuya, bat lahat ng statements mo nasa exclamation form?? Para kang isang malaking exclamation point.

Isa pang Manong barker ang medyo kinainisan ko, si Manong2. Si Manong2 ay laging nagpapausog sakin na tumabi sa katabi ko kahit na mga 10 times na kong umusog. Anong gusto mo kumandong na ko sa katabi ko? Okay sana eh. Kaso babae ang katabi ko. Sana si Baldo na lang. joke.

Kung may kwentong barber, may kwentong barker din. Kwento ng mga exclamation point.

The Construction Worker



May construction na nagaganap sa dorm namin. Katawa. Si Dieza (nasa center), roommate ko, tuwang tuwa sa pagaassemble ng computer table sa kabila ng sitwasyon na may exam pa bukas at 3 subjects pa ang rereviewhin niya at ang resulta ng pagaassemble: pagpupuyat sa kakareview (yehey!may karamay ako!)

Untitled


Edited pic inspired by HIM…Sweet subject, bitter meaning…

Sunday, August 8, 2010

Piso


Pusang gala. Nakita ko na naman si kalbong bumbati ng “good morning, maam” at hulaan mo binati niya ulit ako ng good morning, maam. Ay, hindi nadala? Pagkatapos niya ko batiin may sinabi pa siya. Sabi niya: May pulbos ka pa. Aba. Nangengeelam? Design kaya yan sa mukha ko. Walang pekelamanan. O, side story lang yan. Hindi si kalbo ang paguusapan natin ngayon, ang lintik na piso ang topic

Nang sumakay ako ng jeep at nagbayad ng 6 pesos sa jeep. Ay puniales (mura sa Spanish)! Yung driver parang nagalit at binalibag yung bayad ko. Ay putangina. Manong driver wag mo sirain araw ko. Pag nabadtrip ako ng umaga, badtrip na komagdamag. Sabi ni driver: Sino nagbayad ng sais? Kulang. Ay, sabado nga pala ngayon alang discount mga studyante. Eh sa ala talaga akong barya, binigay ko 100. Sabi ni Manong, “ay wag na lang”. Dapat lang porket ba sabado hindi na ko studyante at hindi na kko makakatanggap ng discount. Dahil sa piso magiinit pa ulo ko.

Ok ok. Medyo naka-get over na ko sa piso issue nay an. By the way, papakilala ko nga pala sainyo ang jowa ko, si Michael Oscar Baldo. Yan ang whole name niya. Ang galling no?? Puro first name? And by the way ulit, si Michael Oscar Baldo ay imaginary jowa ko lang. Gagawan ko siya ng blog later para makilala niyo din siya.

Kukuha ako ng test permit sa main building. Nang nasa cashier na ko. Pusang gala. Hiningan na naman ako ng piso. Anu ba yan! Mukha ba kong alkansya at hinihingan niyo ko ng piso eh wala nga akong barya. Di ba kayo nakakaintindi? WALA AKONG BARYA. Pag ako nainis ibabato ko sainyo yung dalawang bente singko centavos sa wallet ko eh. Bat piso pa ang hinihiling niyo?

Buti na lang andun si Anna, nakahingi ako ng piso. Whoo! Kundi manghihingi ako ng piso sa hindi ko kilala. Tae. Sa lahat ng barya, bat ba piso ang importante?

Teka nga, bakit si Jose P. Rizal ang nasa piso?
Kasi para mas maalala siya ng mga tao. Mas mababang value ng pera, mas karaniwang ding hawak ng mga Pinoy. Pag madalas meron ang Pinoy, mas madalas nilang makikita at maalala. Pero kung karaniwang hawak ng mga Pilipino ang piso? Bakit ako wala. :C

Kung ang mukha ni Gloria ang ilalagay sa pera, sa anong halaga kaya?
Sa singkong duling. Para hindi siya pinapahalagahan.

Ate, kailangan bang green ang payong, green na din ang pants, jacket, at bag?

Hulaan ko kulay ng panty mo, GREEN no?

Masyadong environmentally concern si ate to the point na kailangan green ang lahat.

Isang tipak ng buhok

Ako ay nagtataka kung sino sa aming magkakadorm ang naglalagas ng isang tipak na buhok.

Tuwing titingin ako sa sahig ng cr naming may mga hibla ng buhok at nito lang hindi na hibla, isang tipak na! Pusang gala. Baka ako yun. Baka may cancer na ko. Lol. Hayaan niyo gagawa ako ng isang obserbasyon ukol sa usaping ito. Gusto ko sanang kuhanan ng picture kaso nakakadiri. Iw. Change topic.

Friday, August 6, 2010

Uuwi ka ba?

Anong pagkakaintindi mo sa “Uuwi ka ba?” Mahimbing akong natutulog ng maalimpungatan ako dahil may kumakatok sa kwarto namin, yung katulong. Hindi ko

Mahimbing akong natutulog ng maalimpungatan ako dahil may kumakatok sa kwarto namin, yung katulong. Hindi ko na matandaan kung bat siya kumakatok sa kaantukan ko. Ang naalala ko lang nabasa ko sa inbox ko ang mga text ng mga groupmates ko sa pagiinterview ng isang sole proprietor. Sabi nila, "Nandito na ko", "Papunta na ko". May interview kasi kami nang gabing yun.

Nataranta ako. 7pm kasi ang usapan namin ng sole proprietor at 6:30 na hindi pa ko nakabihis at nakakapagdinner. Takbo ako sa cr at bihis ng damit ala ng seremonyas seremonyas at sabay tooth brush kahit hindi pa naghahapunan. Karaniwang seremonyas ko sa cr: pagpapatugtog, paghihilamos ng mabagal, paliligo ng mabagal, pagaapply ng kung ano ano sa katawan ng mabagal, pero ngayon tooth brush na lang ala ng pabango pabango at pulbos.

Syet. Hindi ako masyadong conscious ng mga panahong yun kaya nalimutan kong magpaalam sa land lady namin na aalis ako. Tinanong ako ng katulong habang paalis na ko sabi niya, "Uuwi ka ba?" Sabi ko "opo" sabay alis dahil late na ko. Ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya ay UUWI AKO SA DORM. Malamang? uuwi ako sa dorm.

Sabay nang pagkasakay ko ng jeep nagtext ang land lady: Saan ka pupunta? Uuwi ka ng Bulacan? sabi ko: Hindi po may interview po ako ngayon. sabi niya: Akala ko emergency tinext ko pa nanay mo, di ka kasi nagsasabi eh. Hala?? Panikera (from the salitang hiram “panic”)??

Therefore, I conclude, ang “uuwi ka ba?” ay equivocal dahil may dalawa itong meaning o kung gusto mo dagdagan mo pa.
meanings:
uuwi ka ba sa dorm?
Uuwi ka ba sa Bulacan?

Kaya dapat buuin ang mga pangungusap nang sa gayon ay magkaintindihan ang lahat at walang fallacy of equivocation.

Alien speaking? Kuha ka ng Philosophy class kay Sir Pacquing.

Thursday, August 5, 2010

Bbye

ako ay mamahinga muna ng ilang linggo. nawalan ako ng gana magsulat. stressed ang author. please don't disturb.

Monday, August 2, 2010

Ang Cute ng Bata


pssst, bata. bat ka nakatingin sakin? haha...napagtripan tuloy kitang kuhaan ng pic..

Handa na ako

Handa na akong maging ako muli.
Handa na akong maging si Janelle Macasieb matapos ang 3 buwan.
3 buwang walang pahinga
3 buwang walang pahingang kakaisip sayo
Sayo na walang kwenta
Sayo na walang kwentang pinakawalan ako
Pinakawalan ako para lang sa iba
Pinakawalan ako para lang sa walang kwentang iba
Iba na ko ngayon
Iba na ko ngayon, mas matapang
Matapang para tumanggap ng pagkatalo
Matapang para tumanggap ng pagkatalo sayo
Kelan ba ko nanalo sayo
Kelan ba ko nanalo sayo na hindi ko malilimutan
Hindi ko malilimutan pagkat parte na ng buhay ko
Buhay ko na umiikot sayo noon
Buhay ko na umiikot sayo noon, buhay ko na umiikot sa aking sarili ngayon

--ui....walang draft yan ah. kung ano lang pumasok sa isip ko ngayon.

Kawawang Uod



kawawang uod. Nanahimik. Napgtripan ni Yen. Tinuhog. Minolestya. Pinatay. Kinuhanan ng picture. Pumunta ng heaven.